Previous Page of 2Next Page

Usapang Babae

Dedicated to
TalkingPanda
spinner.gif

Napakasaya at napakasarap sa pakiramdam kapag malaman mo na gusto ka ng isang lalaki, gusto mo man siya o hindi..

Sa tingin mo may gusto 'rin sayo ang taong gusto mo...

Isa ito sa pinakamasayang bagay na maaari mong matamasa pero kailangan mo ng isang napakalaking puhunan - ang lakas ng loob.

Lakas ng loob para saan?

Ang pinakasimple at pinaka-common na siguro sa paraan ng pag-alam kung gusto ka talaga niya ay ang direktang pagtatanong.

Pero syempre ano nanaman?

Pangungunahan ka nanaman ng takot.

Puro nalang takot ang pinapairal.

Palagi nalang.

Eh paano mo malalaman na 'mutual ang feelings niyo' kung hindi ka magtatanong?

Natatakot ka na maaaring mapahiya ka sa kanya kung hindi positibo na gusto ka 'rin niya.

Kaya naman may mga tips o steps din na hindi lang sa paraan ng lakas ng loob at direktang pagtatanong malalaman kung gusto ka nga 'rin ni boylet..

Pero syempre, 'yang mga paraan na 'yan eh MAS epektibo kaysa sa iba. Proven and tested kumbaga ni author.

Kaya, tanggalin na ang hiya hiya, kapalan ang mukha at maging walanghiya! HAHAHAHAHA. Joke lang!

Kung hindi ka talaga niya gusto, aba'y okay lang 'yan teh!

Madaming lalaki sa Earth. Hanubeeyy~?

HANAP HANAP DIN PAG MAY TIME ANO PO?

Paano Malalaman kung gusto ka ng isang lalaki?

Ang mga lalaki ay hindi naman masyadong kumplikado mag-isip katulad nating mga girly kaya hindi naman mahirap malaman kung gusto ka ng isang lalaki.

Ngunit may isang bagay na maaaring maging kaibahan ng bawat kalalakihan - ang "takot na matanggihan".

Hindi lahat ng lalaki ay may lakas ng loob at hindi lahat ng lalaki ayos lang ma-"busted", gayunpaman, lalaki pa rin sila at ginawa sila upang umibig ng babae, at hinding-hindi nila maitatago iyon.

AYAN ALAM NIYO NA KUNG BAKIT MADAMING TORPE MGA ATENG?

Ang dalawang bagay na nagtatakda sa pagkalalaki ay ang lakas ng loob at ang kanyang galaw. Gamit din ang dalawang bagay na ito, HALOS malalaman natin kung gusto ka ng lalaki..

Lakas ng Loob

Ang mga lalaking malakas ang loob at may oras ay talagang lalapitan ka at liligawan ka. At siguro ito na ang obvious na gusto ka talaga ng lalaki. Huwag ka nang magtaka kung gusto ka talaga niya. Kung gumagastos siya ng pera para sa iyo, naglalaan siya ng oras para sa iyo, kung minsan pinagpapalit nya ang DotA para sa iyo, aba! Gusto ka nya! Ikaw na 'teh!

Kasama sa lakas ng loob ay ang: Pagkausap at kinakamusta ka sa iyong personal na buhay o gawain. O kaya naman ay binabalitaan ka nya sa personal nyang buhay. Maaaring espesyal ang tingin nya sa iyo o di kaya ay nagpapasikat siya sa mga ginagawa nyang personal. Tulad ng pagpunta sa Gym, paglalaro ng basketball, atbp. na sa tingin niya ay bibilib ka sa kanya kahit papaano.

Galaw o Body Language.

Hindi naman porke hindi sinasabi ng lalaki na gusto ka nya ay duwag na siya. Sa katunayan napakaraming dahilan kung bakit hindi sinasabi ng lalaki ng gusto nya ang babae, maliban sa "takot siya sa kabiguan". Gayunpaman, malalaman natin ang motibo nya sa iyo gamit ang pag-obserba sa kanyang galaw na kilala rin sa body language:

-Lagi ka nyang tinitignan!

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (33)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended