18. Awkward

366K 2.9K 590
                                    

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

-Elle’s POV-

 

3 days later...

 

Nakabalik na ako galing Bora kahapon. Simula nung nangyari yun, hindi ko na sya ulit nakita. Hindi pa din siguro maka-get over sa nangyari sa amin.

 

I laughed bitterly. Gusto kong magalit sa kanya pero shit lang, di ko magawa eh. Dumating ako sa condo nya kahapon at wala sya. Wala yata syang balak na magpakita sa akin.

 

“Hey..”

 

Nabalik ako sa realidad ng may tumapik sa akin. Bigla kong naalala na nasa mall pala ako kasama si RC. Ilang araw na nya ako binubulabog dahil nakita daw nya si King dito at ang alam nya ay magkasama kami sa Bora. Sa kanya ko din nalaman na umuwi si King nung araw na may nangyari sa amin.

 

“Bakit kasi hindi mo na sya sukuan?” seryosong tanong nya sa akin. Parang hindi sya ang RC na nakilala ko.

 

Kakatapos ko lang kasi sa kanyang sabihin ang lahat ng nangyari sa Bora.

 

I gave him a sad smile. Alam kong naiintindihan na nya ang ibig sabihin nun. Napailing lang sya.

 

“Hindi pa din talaga ako makapaniwala na may tao pa pala na napaka-martyr sa pagmamahal. Kulang nalang talaga pumayag ka nang patayin ni King eh. Hindi mo ba alam ang word na pagod? Ang sarap mo talagang untugin nang bongga ng magising ka sa katotohanan na hindi lang yang King na yan ang kayang mahalin ka.” sabi nya at parang nanggigigil na syang untugin ako kaya lumayo ako sa kanya.

 

Natawa nalang ako sa itsura nya.

 

“Ano?! At nagagawa mo pang tumawa? Malamang kung nandito si Marga nasabunutan ka na nun. Maswerte ka at nasa probinsya nila yun kundi nako.”

 

Oo nga pala, isa pa yung si Marga. Hindi na tinigilan ang cellphone ko kakatawag. Nagsumbong kasi tong si RC eh. Hindi ko pa sa kanya nasasabi ang mga nangyari. Ayokong sirain ang bakasyon nya kaya sa pagbalik nya nalang.

 

Tumayo na kami dahil tapos na kaming kumain. Nagbayad na din si RC kaya ready to go na kami. Medyo ayos na ako dahil sa company nya kaya nakakalimutan ko yung mga nangyari pero syempre hindi ko pa ding maiwasang masaktan tuwing naiisip ko yun. Halos gabi-gabi ko yung iniiyakan.

We're Married (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon