C8- CJ'S ACT

3.7K 91 5
                                    

Paolline's P.O.V


"Yeah!" Huling kalampag niya sa drum niya habang sila ian ay nag-aayos na ng instruments nila. Pagkatapos ayusin ang mga instruments nila ay nagsibabaan na sila sa stage.

"WOOOOO! Ready-ng ready na ako sa concert natin bukas!" aniya ni Jd na pinasadahan pa ang buhok niya ng kamay niya habang pababa ng hagdan ng stage.

"Syempre tayo pa. E, always ready tayo" pagmamayang ni Jp na may ngisi sa labi habang nagpopose pa ng 'pogi look' daw, hahaha.

"Pero dinaig pa ang babae kapag magpe-perform na kasi kinakabahan. Tsk, BADING!" bulyaw ni Jd kay Jp na nagpatawa sa'ming lahat--ay except pala kay Jadden. Hays. Parang hindi na tayo nasanay d'yan -_-. Well si jadden po ay si chris, for short ay cj. Trip ko lang na Jadden itawag sa kanya :D. At hindi ko alam kung bakit -_-.

Inirapan lang ni Jp si Jd sabay kunyari pang nag flip ng hair niya kahit hindi naman mahaba ang buhok niya. Napapailing nalang ako habang tumatawa.

"E ikaw brad, hindi ka ba excited?" biglang tanong ni Jd kay Jadden. 

'O-kay. Bahala kayo d'yan.  Ewan ko lang kung sasagutin kayo n'yan'

Lahat kami nakatingin lang kay Jadden. Naghihintay kaming magsalita siya. Well ngayon ko nalang siya maririnig ulit magsalita kung magsasalita nga siya.

"Psh" 'yan lamang 'yong narinig namin mula kay Jadden. 

Bakit nga ba ako nage-expect na makikipag-usap 'yan sa'min?. E, tahimik nga siya diba?. Diba diba? -_-.

"Guys tara, punta na tayo sa classroom natin" sabi ko nalang at nagsimula ng maglakad. Sumunod naman sila sa'kin.


ALAM NIYO 'yong feeling na nakakabwiset?.

Kasi naman bakit ba gano'n si Jadden?. Ayaw niya ba sa'kin bilang kaibigan nila?, o baka naman sadyang gano'n na siya dati pa?.

Naglalakad-lakad lang ako dito sa school. Naghahanap ng makakausap. Mga busy kasi 'yong mga boys ngayon. Alam niyo namang sila lang ang kaibigan ko dito diba.

Tatlong araw na silang nagpa-practice para concert nga nila sa saturday. So bale may limang araw sila para mag-practice. Ayoko naman silang istorbohin kapag nagpap-practice, tyaka mas okay na hindi ko sila panoorin. Gusto ko ring ma-surprise sa ipe-perform nila sa saturday.

Habang naglalakad ako, bigla nalang akong napalingon sa left ko at nakita ang di ko akalaing makikita ko.

'Bakit nasa garden si jadden?' 

Nakaupo siya sa isa sa mga swing sa garden habang nakatulala sa kawalan. Ang layo ng tingin niya. Mukhang ang lalim ng iniisip niya. Ano kayang iniisip ng lalaking 'to?.

Pero ang umiikot talaga sa isipan ko ay bakit hindi siya nagpa-practice kasama sila Ian. May problema ba sila?, o baka break time lang?.

Naglakad ako papunta sa kanya ngunit hindi ko pinapahalatang papunta ako sa kinaroroonan niya.

"Hi" bati ko nang makarating ako sa tabing swing niya't umupo doon.

Medyo nagulat ko siya nang magsalita ako at lumingon siya sa'kin. Pero nang makita niya ako'y nagpoker face lang ulit ang mukha niya't bumalik nalang ulit sa pagtingin niya sa kawalan. Parang lang din niya akong dinedma, pero hindi ko nalang 'yon pinansin.

"Ano'ng ginagawa mo dito" kinilabutan ako sa takot ng marinig ko ang malamig niyang boses. Hindi man lang ito tumingin sa gawi ko. Parang bang napakasama kapag nagtabi kaming dalawa. Parang bang isang maling kasalanan ang lumapit ako sa kaniya. 

Pero hindi ko nalang ulit pinansin 'yon.

"Wala lang, mukha kasing mag-isa ka lang---"

"Wala kang pakealam" mabilis na salita nito na nagpaputol sa  pagsasalita ko sabay tayo't naglakad na papalayo sa'kin. Tumayo na rin ako't sinundan siya.

"Bakit ba parang lagi kang galit sa'kin?. Tyaka bakit ba ang misteryoso mo?" hinihingal pa akong nagsasalita dahil sa paghabol o pagsabay ko sa bawat hakbang niya. 

'Ang bilis naman nito maglakad -_-.'

"Wala kang pakealam kaya pwede ba layuan mo na ako" inindya ko ang galit sa pananalita nito. Alam kong naiinis na ito sa'kin ngunit umiiral na ang pagkamakulit ko dahil sa kuriyosidad ko sa kaniya. Hindi ako titigil hangga't hindi niya ako kinakausap at hindi niya sinasabi sa'kin kung bakit ganito ang turing niya sa'kin. Karapatan ko 'yon malaman.

"Bakit ka ba gan'yan sa'kin?. Gusto ko lang naman makipagka---"

"Sinabi nang--LAYUAN MO AKO E!"

Ang lakas ng pagkakasigaw niya. Sinigawan niya ako ng harap-harapan. 

Natigilan ako sa sigaw niya. Sobrang nakakatakot siya. Hindi ko alam kung pipikit ba ako o tatakbo palayo sa kaniya. Nanatili kaming magtitigan hanggang sa tumalikod na siya't iniwan ako dito. Tumakbo ako ng tumakbo. Pumunta ako ng cr at agad na pinasok ang pinaka-huling cubicle.

Pagkapasok na pagkapasok ko'y sinarado ko kaagad ang pintuan at humagulgol na ng iyak na kanina pang nagbabadyang lumabas sa mga mata ko. First time kong maranasan na masigawan kaya't ganito nalang ang reaction ko.

Dahan-dahan akong napapaupo sa sahig ng cr sabay niyakap ko ang magkabila kong binti't yumuko sa mga ito.

Bakit ba siya galit na galit sa'kin?. Parang kahit na makita palang niya ako ay umiinit na ang ulo niya sa'kin. Ano ba'ng ginawa kong masama sa kanya at ayaw niya sa'kin?. Gusto ko lang naman makipagkaibigan. Bakit niya ako pinapalayo sa kan'ya?. Bakit gano'n-gano'n nalang agad ang ipapakita niya sa'kin?.

Minsan hindi ko na maintindihan, hindi ko na mapigil hindi mainis din sa kaniya. 

Umpisa palang naman alam kong ayaw niya sa'kin. Na hindi niya kayang tanggapin na maging kaibigan nila akong apat. Pero ang gusto ko lang naman malaman ay 'yung dahilan ng mga kinikilos niya e. 

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit pinipilit kong mapalapit kay Jadden, may something sa'kin na nagsasabing alam ko ang dapat kong gawin at bigla-bigla nalang kikilos ang katawan ko na parang may sarili itong isip. 

Minsan feeling ko, matagal ko na siyang kilala. Minsan pa nga naiisip ko na best friend ko siya. I laughed at that thought. Best friend?, friend nga hindi pwede e, best friend pa kaya. Diba?

Siguro gano'n lang talaga siya?. Kasalanan ko rin naman kasi, masyado akong naging 'fc' (feeling close) sa kanila kaya nagagalit siya sa'kin.

Napabuntung-hininga nalang ako.  And then, planned to just stay here for a while.


~Abangan..

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Ang ikli din pala ng chapter na 'to. Hindi ko alam kung dadagdagan ko pa siya pero pinili kong 'wag nalang kasi baka maiba ko 'yung flow ng story. 

Keep supporting guys~

Don't forget to leave a comment :)


Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon