63: Misunderstanding

3.6M 66.7K 40.6K
                                    

CANDICE

Nagising ako sa pag-ring ng cellphone ko.

Sobrang antok na antok pa ako. Binuksan ko 'yong mga mata ko tapos tiningnan ko 'yong orasan. Alas-kwatro ng umaga?! Sino bang abnormal 'yong tatawag sa 'kin ng ganoong oras? Napabangon agad ako sa kama ko, isang tao lang 'yong kilala kong gano'n! Isang abnormal na pusang robot. Inabot ko agad 'yong cellphone ko sa may bedside table. Tama nga, si Jeydon nga 'yong tumatawag.

"Yah! What took you so long?" Hindi uso sa kanya 'yong hello, e, 'no?

"Ang aga-aga pa po kaya! Tulog pa ako, e."

"Gusto ko kasi, boses ko 'yong unang maririnig mo pagkagising mo. Sorry, baby." Waaah! Ang aga-aga, ang cheesy niya pero napangiti naman ako ro'n.

"Okay lang. E, bakit ang aga mo magising, Pusa?" Nakahiga pa rin ako sa kama ko, ang sarap sarap pang matulog, bakit kaya gising na agad si Jeydon?

"Tumingin ka sa bintana mo."

Tumayo ako sa kama ko. Huwag niyang sabihing nasa tapat siya ng bahay namin, ah. Binuksan ko 'yong kurtina ng bintana ko tapos napatingin ako sa labas. Aigoo! Nandoon nga siya. Bakit nasa tapat siya ng bahay namin ng alas-kwatro ng umaga?!

"Good morning, baby."

"Anong ginagawa mo riyan?"

"May practice kami ng basketball, sabi kasi ni Coach mas magandang makapag-practice kami nang wala si Tanda. Kaya dumaan muna ako rito para makita ka."

Hindi maglalaro si Kuya Charles mamaya? So ibig sabihin kaya no'n, tama 'yong hinala kong nakipag-away siya? "Nasaan si Kuya Charles?"

Hindi agad nakasagot si Jeydon.

"Nakipag-away siya kahapon, 'no?"

"Kilala mo naman 'yon, e. Basta, huwag ka nang mag-alala ro'n. Masamong damo 'yon, e."

"Nag-aalala rin sa kanya si Mama, e. Samahan mo ako mamaya sa kanya, kakausapin ko siya." Nag-okay sign siya sa 'kin. "Matulog ka na ulit, baby."

"Okay. Good luck sa practice n'yo. Uhm... I love you." Kahit sa malayo, kita kong nag-evil grin siya sa 'kin. Ano kaya ang nasa isip niya? Nag-blush ba ako noong nag-I love you ako?

"Kiss ko?"

'Yon pala 'yon, e. Pasaway talaga. Nag-flying kiss ako sa kanya tapos umarte siyang sinalo niya 'yong kiss ko. Hindi ko tuloy napigilang tumawa.

"Thanks for completing my day, baby. I love you." Kahit nasa malayo siya, alam kong kitang-kita niya 'yong ngiti sa mukha ko. Bakit kapag siya 'yong nagsasabi ng "I love you," may kakaiba akong nararamdaman?

"Pumunta ka na sa practice n'yo, masyado mo na akong pinapakilig dito, e."

Tumawa siya nang mahina. "Go to sleep now." Ibinaba niya na 'yong call.

Tumalikod ako. Papunta na sana ako sa kama ko kaso bumalik ulit ako sa tapat ng bintana. Nando'n pa rin si Jeydon, nakangiti siya sa 'kin. Nag-flying kiss siya sa 'kin tapos tumawag ulit siya.

"Miss me already?"

"Gusto lang ulit kitang makita para pagtulog ko, ikaw ulit 'yong kasama ko."

"I'll be there, okay? Sleep now." Bossy talaga ng boyfriend kong 'yon. Okay, his wish is my command!

Pagbalik ko sa kama ko, parang nawala lahat ng antok ko. Nakatingin lang ako sa kisame, iniisip si Jeydon.

Makita ko pa lang siya, sumasaya na ako nang walang dahilan. Sa mga simpleng bagay lang, napapangiti na niya ko. Lagi niyang ipinaparamdam sa 'kin na mahal niya ako. Tuwing sinasabi niyang mahal niya ako, ang sarap sa pakiramdam.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon