4th Plan

69.7K 862 29
                                    

"Hi Bryle!!" Masigla kong bati sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Nag enroll ako, kasama ko sila mommy. May pasok pa rin pala kayo kahit na summer vacation."

 

"Summer activities lang." Sagot niya.

"Talaga? Ang galing naman!!" Napatingin ako sa katabi niyang babae na pakunwaring nahila yung braso ni Bryle. Nakalimutan kong nandun nga pala siya. Mahina kasi ang appeal niya at hindi kapansinin ang presence.

"Si Annie nga pala." Pakilala ni Bryle sa kasama niya.

"Hi! Ako si Annie..."

"I know. Girlfriend mo??" Diretsa kong tanong kay Bryle, umiling lang siya... kaya medyo nakahinga ako ng maluwalhati.

"Talaga? Kilala mo ko?" Tumango na lang ako. "Saan mo ako nakilala? Siguro nakita mo yung malaking tarpaulin sa labas no?" Tanong niya na nagpakunot ng noo ko.

"Hindi... hindi ko nga napansin eh."

"Eh bakit mo ako kilala?" Inosenteng tanong niya

"Kakasabi lang ni Bryle... ikaw si Annie. Kaya kilala na kita."

 

"Ah!! Got it! I'll formally introduce my self to you." Tumikhim muna siya bago magsalita ulit. "I'm Annie Jane Mendoza. Candidate for salutatorian. Because this guy beside me is super intelligent. You know what, his lowest grade was 92. Mine was 90-point-something." Humanga ako... as in wow!! Humanga ako kay Bryle... hindi kay Annie.

"Really? You're so great and brilliant, Bryle." Todo ngiti pa si Annie, pero nag fade yun ng si Bryle ang pinuri ko. " We're meant to be... I mean, we're meant to study here in Laurente."

"B.U? What's school is that?"

 

"Brillantes University..."

 

"Talaga??!! Oh my God!! Dun mag a-aral ang bestfriend ko. Nakakuha siya ng scholarship. Although, afford naman nila yung tuition. Pero nag apply pa rin sila ng scholarship. Para daw mas mabigyan siya ng attention. Ikaw... full scholar ka ba dun? Bakit hindi ka na dun mag aaral? Financial problem? Alam mo, balak ko dun mag college!"

"Actually, hindi ako scholar.  Pero candidate ako for valedictorian." Napataas ang kilay ni Annie.

"Oh? Eh bakit ka napadpad sa isang public school?" Parang nanunuya niyang sabi.

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon