56. Gawain 12: Harapan 151 Gamit ang mga datos mula sa Batayang Aklat, Mga Sipi at Teksto.Makilahok sa maikling pagtatalo o debate tungkol sa isyung ito “Timog Silangang Asya, Anino la- mang ba ng India at Tsina” 1.Paano nabuo ng sibilisasyon sa Timog Silangang Asya sa Panahon ng Neolitiko? 2.Ano ang mahahalagang impluwensiya ng Vietnam sa kabihasnan? 3.Paano nabuo ang mga Kahariang Pangkontinente sa Timog Silanagng Asya? 4.Ano ano ang mga impluwensya ng Mga Kaharian sa Pangkapuluang Timog Silangang Asya ? 5.Paano nahubog ng Timog Silangang Asya ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya ? 6.Paano napayabong ang mayamang kultura ng mga katutubo sa Pilipinas ? 7.Nakabuti basa mga bansa sa Timog Silangang Asya na tawagin na anino ng Tsina at India? 8.Paano nakatulong ang mga relihiyon,pilosopiya at kaisipang Timog Silangang Asya sa pa- ghubog ng kasalukuyang pamumuhay ng mga Asyano? Timog Silangang Asya, Anino lamang ng India at Tsina ? Hindi! Oo Pamprosesong Tanong:

57. 152 MGA RELIHIYON SA ASYA Basahin ang mga sumusunod na lathalain upang mapayaman ang kaalaman sa pag- susuri ng kaisipang Asyano, relihiyon at pilosopiya. Sagutin ang kasunod na Retrieval Chart sa ang Batayang Aklat.Aralin 16 Mga Relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya at Araling 17 Mga Reli- hiyon at Pilosopiya sa Silangan, Hilaga at Timog Silangang Asya. Malawak ang naging saklaw ng mga pangyayari sa ibat ibang rehiyon sa Asya tulad ng mga naitala na impluwensya sa pamahalaan, kabuhayan, teknolohiya, lipunan, edukas- yon ,paniniwala, pagpapahalaga at sining. Sa mga impluwensya sa mga pagbabagong ito higit na lumutang ang kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon. Ang relihiyon ay nag mula sa salitang latin (re-ligare) - pagbubuklod,pagbabalikloob sa greigo (re-legion) - pagpili, paghirang nabubuo sa kahulugang muling pagsasama ng mga pinili sa pananampalataya. Ayon sa kasaysayan halos lahat ng mga relihiyon sa mundo ay nagmula sa Asya. Sa lawak ng mga teritoryong sakop at sa kapal ng tao na mga naniniwala malaki ang dahilan upang tawagin ang Asya na sinilangan ng relihiyon sa daigdig. Halinat ating talakayin ang ibat ibang relihiyon na ito, alamin kung saan umusbong , kung sino ang nagtatag at ang mga mahahalagang aral ng mga ito. Sisirin din natin ang mga impluwensiya ng mga relihiyong ito sa ating lipunan. Hinduismo Hinduismo ang pangunahing relihiyon sa India na,mga Aryan ang unang tribong sumam- palataya sa Hinduismo. Naniniwala sila sa maraming Diyos mula sa ibat ibang likha ng kalika- san,subalit ito ay naglaho at napalitan ng pagsamba kay Brahma.Veda ang banal na kasulatan ng mga Hindu na nagmula pa sa panahon ng mga Aryan,tinuturo ng Vedas na ang tao ay mag- karoon ng mahaba at mabuting buhay.Ginagalang ng Hinduismo ang indibidwal na pagsamba, mayroon silang mga altar,mga santo. Nagpupunta sila sa mga banal na lugar. Mga Paniniwala ng Mga Hindu Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala sa pagkakaisang ispiritwal. Naniniwala ang mga Hindu sa pagmamahal, pag- galang at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may buhay, espiritu o kaluluwa. Sumasamba sila sa ibat ibat uri at anyo ng Diyos na tinatawag na polytheismo. Bahagi ng paniniwalang Hindu ang Reinkarnasyon, kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang na muli sa ibang anyo,paraan o nilalang. Nainiwala ang mga Hindu sa Karma, Ang Karma ang magbibigay sa tao ng gantimpala kung kabutihan ang tinanim, subalit pagdurusa naman ang balik kapag kasamaan ang itinanim sa kapwa. Naniniwala ang mga Hindu na ang tao ay dapat na magsikap sa buhay at ito ay dapat na iniaalay niya sa Diyos anuman ang antas niya sa lipunan.

58. 153 Buddhismo Itinatag ito ni Sidharta Gautama, isang batang prinsipe, subalit ninais na maging asetiko upang danasin ang katotohanan ng buhay , isinuko niya ang karangyaan, luho at masarap na buhay.Iniwan niya ang pamilya at naglakbay hanngang matuklasan niya ang kaliwanagan.Kaya ang Buddhismo ay nangan- gahulugan ng “ Kaliwanagan”. May dalawang paghahati ang Buddhismo : Mahayana Buddhism – Kinilala bilang Diyos si Buddha na tagapagligtas mula sa guro. Niyakap ito ng mga taga Silangang Asya tulad ng China, Korea at Japan at Vietnam sa Timog Silangang Asya. Theravada Buddhism – Kinikilala si Buddha bilang guro at banal na tao. Kinilala ito ng mga bansa sa Sri Lanka, Myanmar, Thailand ,Laos at Cambodia. Apat na Dakilang Katotohanan ng Buddhismo Ang buhay at pagdurusa ay hindi mapaghihiwalay. Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa. Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa Maalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at matatamo ang tunay kaligayahan o Nir- vana. Walong Dakilang Daan 1.Tamang pananaw 2. Tamang aspirasyon 3.Tamang pananalita 4. Tamang ugali 5.Tamang kabuhayan 6.Tamang konsentrsyon 7. Tamang pagpupunyagi 8. Tamang konsentrasyon. Jainismo Isa sa mga relihiyon sa India,ayon sa Veda ang jainismo ay itinatag ni Rsabha,subalit ang pinaka naging pinuno ng Jainismo ay si Mahavira o Vhardamana. Tinalikuran niya ang lahat ng kaniyang kaya- manan at kapangyarihan at naging asetiko katulad din ni Buddha. Mga Doktrina ng Jainismo Ang bawat tao ay may layunin na makalaya ang kaluluwa sa pagkabuhay,pagkamatay at muling pagkabu- hay. Ito ay siklo na dapat maranasan ng lahat ng tao.Bawal kumain ng karne, bawal ang pumatay ng insekto, bawal ang magnakaw, magsinungaling, bawal ang magkaroon ng ari arian at makipag talik.Ang karma ay isang buhay na bagay na dumadaan sa katawan ng anumang bagay at buhay at nagiging pabigat ito. Kailangan mapagtimpi at disiplinado ang tao. Kailangan igalang ang lahat ng mga bagay na may buhay.Bawal ang pananakit sa anumang may buhay, tinawag itong ahimsa o kawalan ng karahasan o non violence.Binibigyang diin ng Jainismo ang aseti- smo o pagpapakasakit at mahigpit na penitensya upang upang mapaglabanan ang kasikiman ng katawan.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Module.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon