Chapter Thirty Three- Those Three Parts

559K 11.4K 1.4K
                                    

ZYLIE' POV

Hug-hug din pag may time? Nawiwiwili din tong isang toh eh. At ako din nasasanay magpaloko.

"Pancake."

“Pancake pancake ka na naman diyan ah!

“Missed it?"

“ANO???”

“Namiss mo na… tinatawag kitang pancake?”

The truth is, I actually did. Yeah I did miss it.

“So… Bati na tayo??” he asked.

Ganito pala siya makipagbati nuh? Assumero-much.

“Di nuh. Asa ka.”

"Hmmm. Nah. I felt it." he squinted his eyes na hindi na naniniwala sa akin.

"Felt what?"

“Yumakap ka rin naman sa akin eh.”

Yumakap rin ba ako kanina?

Oh no. Yumakap nga rin ako kanina! Ehhh kasi naman eh. Kahit tuod yata mapapayakap sa kanya. Ang bango niya kaya tska ang sarap niya yakapin. Sinong nasa matinong isip ang hindi gaganti ng yakap?

Pero ibig sabihin banun ay bati na kami? Ano siya sinuswerte? Ni hindi niya nga daw alam kung bakit ako galit eh!

“Eh ano naman? Hindi ako yumakap. Humawak ako. Baka kasi ma- out of balance ako nuh. Alam mo naman."

 "Yung totoo Zylie?"

"Anong totoo? Ang totoong alam ko? Hindi pa tayo bati."

“Nagsorry na nga ako eh.” Matabang na sabi ni Silver.

Kaasar tuloy lalo. Bumaba na ako ng hagdan. Masyado na kasing… mainit… dun sa may bukana. Alangan naman pumasok pa ako sa kwarto para magpalamig sigurado susunod na naman yung Silver na yun. At mas delikado.

“Alam mo bang may tatlong parts ang sorry?” sabi ko sa kanya habang bumababa ako. Alam ko namang kasunod ko siya eh.

“Parts? Ano?”

OMG lang. I can feel his breath on my neck. Ano ba yun kinilabutan ako. Kasi naman ang lapit-lapit pala niya.

“Alam mo ba na una lang yung ginawa mo?” sabi ko ng makalayo ako sa kanya.

“Parts parts pa? Di ko alam yun. Tinuro ba yun sa school Baka absent ako.” Kinuha niya yung remote tapos binuksan niya yung lumang TV namin. Umupo pa talaga siya sa sofa diba? Kinuha ko mula sa kanya yung remote tapos pinatay ko ulit yung TV.

“Excuse me Mr. Bahay mo ba toh? Kung makapagbukas ka naman ng TV eh.” pinatay ko yung TV.

“Well, then... I wanna hear the parts of Sorry. Parts ba talaga? Hindi Steps?"

Napaisip tuloy ako. Namali ba ako ng term?

Ay bwisit! Ngayon na nga lang magmarunong, may nagdididkta pa.

"Parts yun bakit ka ba nangingialam?"

"Okay. Then educate me... Ano yung tatlong parts na yun?" seryosong tanong niya.

I cleared my throat.

“Una! Magsasabi ka ng sorry! Yun nagawa mo na yun.” Tumango-tango siya.

“Pangalawa! Aaminin mo ang kasalanan mo.” Tango na naman siya ng tango. Asar. Di niya nga alam kasalanan niya eh. Paano siya nakakaarte ng ganyan na parang master siya ng pagsosorry?

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon