Maligayang Kaarawan, Nanay [maikling kwento]

Dedicated to
Sa Lahat ng Nanay ^^
spinner.gif

 

Maligayang Kaarawan, Nanay [maikling Kwento]

 

(haha! sareeh! nasarapan sa paggawa ng short stories eh :P)

-------------------------------

 

 Ako nga pala si Mickoy. 10 taong gulang. Sa buong buhay ko hindi ko naranasang mahalin, lalo na ng aking ina.

 

Ako ay bunga ng rape. Nung 19 pa lang kasi ang aking nanay, Nagahasa sya ng ilang lasing na kalalakihan habang pauwi. Pano ko nalaman? Naririnig kong pinagchichismisan ng mga kapitbahay namin. Yun naman libangan dito sa lugar namin eh. Ang magchismisan. At dahil din dun kaya tumpulan ako ng tukso. Hindi ako nakakapagaral dahil aksaya lang daw sa pera sabi ni nanay. Wala din akong mga kaibiga---

 

"Hoy bata ka! diba sinabi ko sayong magigib ka ng tubig dun sa poso nila Aling Tina?! Anong ipangliligo ko ngaun ha?!"

 

"pasensya na ina nanay nawala sa isip ko dahil dito sa niluluto kong biko"

 

"aba'at mag dadahilan ka pang lintek ka!"

 

 

*sob*

 

 

*sob*

 

'Lord, Bakit po ba ganun si nanay? ginagawa ko naman po lahat ng gusto nya, Pero bakit lagi nya kong sinasaktan?' sabi ko sa isip ko habang nagiigib ng tubig dito sa poso nila Aling Tina.

 

"oi si mickoy oh!" narinig kong sabi ng isang bata na halos ksing edad ko lng ata

 

"tara pagtripan natin!" sabi nung isang batang mataba na may hawak na pamatpat. Ano daw sabi nya? pagtripan? ano un?

 

"oi mickoy! bakit wala kang tatay?" tanung nung mataba at halatang pinipigilang ngumiti

 

"hahaha! malandi kasi nanay nyan! iniwan tuloy ng tatay! disgrasyada nanay nya!" sabi nung isa pa nilang ksama na mukang mas matanda samin ng dalawang taon.

 

"hahahahaha!" tawa nilang tatlo

 

kinuha ko na lamang ung balde ng tubig na inigiban ko, tumalikod at nagtangkang umalis.

 

"hoy! kinakausap ka pa namin ah! wag mo nga kaming tinatalikuran!" sabi nung mataba at tinulak ako

 

lagot na naman ako sa nanay, Natapon ung balde ng tubig na inigib ko

 

"Bakit mo ko tinulak? alam ko namang walang patutunguhan tong paguusap natin eh. Bayaran nyo na lang  to tubig na natapon nyo ng makapagigib ulit ako" mahinhin kong sabi sa kanila at pinulot ung balde.

 

"ano ka?! sinusuwerte?! bahala ka dyan sa buhay mo! hahahaha!" sbi nung batang kasing edad ko lang at iniwan nila akong hindi man lang binabayaran ang tubig na natapon.

 

---

 

"aray nanay! *sob* *sob* hindi na po! h-hindi naman po ako nakikipagaway eh. s-sila po ung nauna kaya natapon ung tubig *sob*"

 

"Gag* kang bata ka! wag mo kong pinaglololoko! hay*p ka! wala na nga tayong pera nag aksaya ka pa! Ako na siguro ang pinaka masayang tao sa mundo pag nwala ka!"

 

*sob*

 

 

*sob*

 

'Lord, sinaktan nanaman ako ni nanay kahit nagsasabi ako ng totoo *sob* masama ba talaga akong anak? bakit di nya ko magawang mahalin? Lord, sana po tama tong desisyon ko, sana mapasaya ko si nanay sa gagawin ko'

 

 

*Kinabukasan (POV ni Nanay)

 

'Panginoon ko, Patawarin nyo po ako. napakalaking kasalanan ang nagawa ko *sob* bakit ngaun ko lang napagtanto na dapat *sob* matagal ko na syang minahal? na wala syang kasalanan sa lahat? ngaun huli na ang lahat, wala nakong magagawa pa'

 

-----------------------------

            'R.I.P'

Name : Mickoy Rivera
Born : Dec. 25, 1994
Died : April 17, 2004 
'I love you nak, sorry' 

-------------------------------

 

 Ngaun ang libing ni mickoy, ng anak ko. Nagsisisi talaga ako dahil ni minsan hindi ko man lang npadama o nasabi sa kanya na mahal ko sya. Ngaun wala na sya.

 

Kaarawan ko nung panahong un. Nung araw na un ko lang din napagtanto ang lahat. Panahon na para mahalin ko sya. Pero pagpasok ko ng kwarto, Nakita ko syang nakabigti..

 

 

ng naka ngiti.

 

Nanikip ang dibdib ko nung nakita ko syang ganun. Dali dali akong lumapit at tinanggal ang pagkakabigiti nya. Umiiyak ako. May nakita akong munting papel sa mga palad nya. Kinuha ko iyon at binasa.

 

"Nanay, diba sabi mo ikaw na ang pinakamasayang tao sa mundo kapag nawala ako? Kaya ito ang regalo ko sayo nanay sa kaarawan mo. Happy Birthday nanay, I Love you"

 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

Aral : Matuto tayong pahalagahan ang tao o bagay habng ito'y nasasaatin pa. Dahil hindi natin alam kung kelan sila mawawala sa piling natin. Nasa huli nga naman ang pagsisisi.

 

 

-Nadz

Comments & Reviews (48)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended