Chapter Fifty One - Sunset Drive at 8

233K 3K 765
                                    

Chapter 51

“Here.” Abot sa kanya ni Greg ng kape. Nagpasalamat siya dito at uminom. It has been ten hours since Gavin was missing. Hindi niya alam kung bakit at paano ito nakalabas ng bahay. Matagal na din kasi silang walang security guard na nagbabantay ng gate.

Tinanong niya ang tatlong katulong pero hindi naman daw alam ng mga ito na umalis pala si Gavin dahil busy ang mga ito sa trabaho.

Kahit ang kuya niya ay hindi namalayan ang pag-alis ni Gavin.

She was feeling nauseous. Dahil siguro sa sobrang kaba at pag-aalala ay para siyang mahihilo. Tiningnan niya ang hawak na cellphone. Wala paring tumatawag o tumetext sa kanya.

“Don’t worry, Gaby. I’m sure hindi pa nakakalayo si Gavin.” But she knew that was bullshit. Sinasabi lang iyon ni Greg para gumaan ang kanyang loob. Of course nakalayo na si Gavin! He had been missing for ten hours already! Tinawagan na nila ang mga pulis at lahat ng kanilang kakilala pero hanggang ngayon ay wala parin silang balita.

Sa bawat segundo at minuto na dumadaan na wala pang balita galing kay Gavin ay parang bang may patalim na nakasaksak sa kanyang tiyan na unti-unting dumidiin.

“Greg, maybe I should go find Gavin myself. Ayokong walang ginagawa. I have to find him before something bad happens to him.” Nanginginig na ang kanyang kamay kaya naman ay inilapag niya ang hawak na baso.

Umiling si Greg at nilapitan siya. Hinawakan nito ang dalawang braso niya at hinalikan sa noo. “Gaby, you have to stay here. Any minute now ay may tatawag dito at babalita tungkol kay Gavin. Ako na ang aalis at hahanap sa kanya.”

She felt crying like a baby. Bakit ba umalis si Gavin? Bakit kaya ito hindi nagpaalam sa kanya? Saan kaya ito pumunta at bakit hanggang ngayon ay hindi pa din ito bumabalik? But Greg was right. Someone had to stay here and wait for the call. “Okay, but please, Greg. Call me as soon as you find him or you have any lead on where he is.”

Tumango ito at hinalikan siya ulit sa noo. Ilang minuto lang ay umalis na ito ng bahay bitbit ang isang litrato ni Gavin.

-

“Ma’am, may naghahanap po sa inyo sa labas.” Mas mabilis pa sa kabayo ang ginawa niyang pagtayo. Kaagad siyang pumunta sa sala at inutusan ang katulong na papasukin ang taong naghahanap sa kanya.

Pagkaraan ng ilang segundo ay pumasok ang isang binatilyo na tantiya niya ay nasa labing-anim ang edad. Kaagad itong namangha sa loob ng kanilang bahay. He stared at their house as if he was at the Buckingham Palace.

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon