THAT SHOULD BE ME
By: xoxocharmaine
(Disclaimer: Ang lahat ng pangyayari sa kwentong ito at pawang kathang-isip lamang ng may-akda at walang basehan sa mga totoong pangyayari. At hindi na hawak ng may akda kung sakali mang may mga naisulat sa kwento at nangyayari bigla sa totoong buhay. The fiction contains matured scenarios kaya patnubay sa magulang ang kinakailangan para sa mga readers na under 18. Minors, please be responsible in reading this fanfic.
Chapter 1
Excited at kabado si Devon sa pagkikita niya ng kanyang ama. Almost 20 years din sila na hindi nagkita nito. Isang pagkakataon lang na nakita ni Daddy Lloyd si Devon habang natutulog ito sa ospital. Alam ng lahat na nayakap siya ng ama ngunit balewala rin kasi hindi niya nadarama iyon. Gusto man niyang murahin ito ngunit ayaw na niyang balikan ang nakaraan. Kung ano man ang meron noon bastat ang importante ang ngayon kung saan masaya na ang lahat.
Masayang nakangiti ang mag-asawa ng makita nila na naghihintay sa kanila ang dalawang mag-sing irog. Una bumati si Sam sa kanyang Mommy Lei at sa kanyang Tito Lloyd.
“Hi Tita!” sabay halik ng dalaga sa pisngi ni Mommy Lei.
“Hi Dad!” naiilang na bati ni Devon sa ama sabay halik sa pisngi.
Nagulat si Devon na ang isang simpleng halik sa pisngi ay nauwi sa yakapan na sobrang pagkahigpit .
“Devon anak! I’m so sorry.” Maiiyak-iyak na pagkasabi ni Daddy Lloyd.
“Don’t worry Dad! Its not too late pa naman. We can start again” saad naman ng dalaga.
Walang nagawa ang dalaga kundi hayaan ang ama na mayakap siya nito kahit sa sarili din niya gusto niyang mayakap ng ganun kahigpit ang kanyang ama.
“Tito! How’s the trip?” tanong ni Sam sabay kuha sa cart sa dinadalang maleta nito.
Sam starts to call Tito Lloyd when he knew na hindi siya totoong anak nito. Napakunot noo na lamang ang dalaga sa pagkarinig niya na bumati si Sam sa ama niya na naging ama din ng binata. Hindi nalang nagtanong si Devon kasi alam niya kung ano ang pinagdaraanan ng binata noon.
“Hi Sam! I missed you iho! Yeah, the trip was good. So, excited kami na makita kayong dalawa. Right Hon?” Sagot naman ni Daddy Lloyd sabay ngiti nito.
From the airport dumiresto sila sa bahay nina Sam. Nagkaroon ng konting salu-salo ang pamilya. Makuwento si Sam pagnasa harap niya ang kaniyang pamilya. Hindi ito nauubusan ng topic. Kaya naman napangiti nalang si Devon sa ikinikilos ni Sam na batid nito na namiss niya ang kaniyang mga magulang.
“Devon, how was your mom? Tanong ni Mommy Lei.
“Po? Ahhmm. Nasa Canada po si Mommy Linda. Natanggap kasi siya sa trabaho na matagal niyang hinangad. Gustuhin ko man na hindi kami magkakahiwalay pero napakaselfish ko naman po para pigilan siya sa gustuhin niya sa kanyang buhay. Malaki na rin naman po ako kaya okey sa akin.” Sagot ni Devon na natahimik ang lahat sa hapagkainan.
Handa na ang mag-asawa sa haharapin nilang sitwasyon. Hindi ito magiging madali para sa kanila ngunit iniisip nalang ng mag-asawa ang kaligayahanng dulot nit okay Sam.
“Tito, I hired Devon as my Executive Secretary” nasambit ni Sam kay Daddy Lloyd habang nagkakape sila.
“What? Why Executive Secretary? She deserve to be on the top position.” Gulat na saad ni Daddy Lloyd.
“Tito, I know. Pero ayoko ma.stress si Devon, hinay-hinay muna. Ayokong mabigla siya sa mga responsibilidad niyang haharapin. Hope you will agree with me. And sorry ngayon kulang nasabi ito sayo.” Mahinang wika ni Sam na nayuyuko sa huli.
“Ok, I will trust you on this. Sana nga maging mabuti ang lahat na pinaplano mo. I don’t want na magkasakitan na naman kayo because of this.”
Natahimik si Sam sa sinabi ng kanyang ama-amahan nito. Pero sa kaloob-looban nito bastat para kay Devon gagawin niya ang lahat, kahit uuwing luhaan ito.
“Sugar! Andito ka lang pala eh.” Nakita ni Devon na nag-iisa ang boyfriend sa may veranda malayo ang tingin.
Niyakap ni Devon si Sam na nakapulopot ang kanyang mga kamay sa bewang ng binata. Inakbayan naman ni Sam si Devon at hinalikan ang noo ng dalaga at napapikit ang huli.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists