(Oneshot) Happy Birthday

74.8K 3.2K 436
                                    

Oneshot: Happy Birthday

 © Filipina Wattpad 2013

Bukas na yung birthday ko... Sabi ni Papa, ibibili n'ya ako ng cellphone. Sabi naman ni Mama, ibibili n'ya ako ng madaming chocolates. Sabi naman ng aking kapatid, ibibili n'ya ako ng sapatos at damit. Pero ang sabi ko sa isip ko... bati mo, ayos na sa'kin.

"Ha---ppy Bir--thday to-- you! Ha---ppy Bir--thday to-- you! Ha---ppy Bir--thday Ha--ppy birthday~~ Happy Birthday Cristen! Happy Birthday Cristen!!! How old are you?" mala-elementaryang kanta at tanong ng mga kaklase ko sa'kin nung pumasok ako ng room.

Pero sa isang dako lang ng classroom ako napatingin. This year too, huh...

"16!" nakangiti kong sagot matapos kong alisin yung pagtingin ko sa 'kanya'.

"Ililibre na tayo n'yan mamaya" loko nung isa kong kaklase sa'kin. Syempre, tatawa tawa na lang akong dumiretso ng upuan ko at umupo sa tabi 'n'ya'. Tulog s'ya at may nakapasok na namang mga earplugs sa dalwang tenga n'ya.

Napabuntong hininga na lang ako sa isip ko.

Ako si Cristen Joy D. 16 na ako... Birthday ko kasi ngayon, di ba obvious? At yung katabi ko, s'ya si Joseph... crush ko at seatmate ko for almost 4 years. Pero ni-minsan, hindi n'ya ako binati tuwing kaarawan ko. Ewan ko ba pero... sa'kin lang s'ya ganun. Hindi ko talaga alam kung ano bang nagawa ko sa kanya para di n'ya ako batiin ng simpleng Happy Birthday. Sumasabay naman s'ya sa pagkanta ng birthday song tuwing hindi ako yung may birthday... Siguro wala na naman s'ya sa mood... Pero sabagay, hindi ko pa naman s'ya nakakausap... Never.

"Joseph! Pagaya naman ako ng assignment mo sa Trigo!" rinig kong tawag nung pinakamaganda sa'ming klase.

Nakita ko s'yang gumalaw at inalis yung earplugs sa tenga n'ya sabay tingin sa kaklase ko. Kinuha n'ya yung notebook n'ya at binigay sa kanya.

"Yay, thanks!" sabi nung kaklase ko at tuwang tuwang pumunta sa upuan n'ya. If only I could...

"Oi Cristen! May naghahanap sa'yo sa labas! Lalaki!!! May hawak na teddy bear at roses! Ayii" panloloko nung isa kong kaklase sa'kin.

Tumayo na lang ako at pumunta sa labas. Hayyy, andito na naman si Van, ang hindi nagsasawang manligaw sa'kin. Ni-reject ko na s'ya pero ayaw tumigil sa kakasuyo sa'kin. May paniniwala daw kasi s'yang magugustuhan at magugustuhan ko raw s'ya. Pero asa naman s'ya...

"Happy Birthday Cristen" nakangiti n'yang bati sabay bigay nung teddy bear at roses na hawak n'ya sa'kin.

"Thank you" sabi ko sa kanya sabay ngiti. Syempre, ayoko namang maging suplada sa kanya.

"You're welcome" sagot n'ya sabay ngiti ulit sa'kin.

Dahil nakita n'ya na paparating na ang aming guro, kumaway na lang s'ya at umalis. Pumasok naman agad ako sa room. Saglit na panloloko naman ang nakuha ko nung pumasok ako. Pero tumahimik naman agad nung pumasok si Ma'am ng room.

(Oneshot) Happy BirthdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon