9: MAGMOVE ON

14K 225 9
                                    


^Jazzella

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Jazzella

She's my bae. Ang ganda niya talaga bes. Bakit ganun bes. Mukha akong patatas bes.

****

Chapter 9 — Magmove On


Jazzella's Point Of View

Mananampal na nga lang, parang hangin naman. Wala man lang akong naramdaman sa sampal ng punyetang taong nasa harap ko.

Emotionless, I held my chin up and confidently looked at her and grinned lopsidedly. "Problema mo, miss?"

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Miss?" she repeated in disbelief, hindi makapaniwalang hindi man lang ako natinag.

"Bingi? Paulit-ulit?" Ang bagay sa kanya, ipa-car wash ang tenga.

Kung pwede lang siguro umabot ang kilay niya sa rooftop, nalagpasan na siguro ito sa sobrang taas. "Anong ginagawa niyo dito?" Mas lalo akong napangisi. Why is she asking me like she owns this school? She's not even one of the stockholders.

"Syempre, na-miss kasi kita." panloloko ko sa kanya. Unti-unti nang tumataas ang ilong ko sa dami ng kasinungalingang nasabi ko. That statement actually gave me shivers. Ew, nakakadiri.

"Talaga?" Her lopsided smile is really getting on my nerves. How she didn't change a bit this past 10 months, it's a mystery. Ang tanging nagbago sa kanya ay ang mataas niyang buhok na ngayon ay umabot hanggang sa kanyang baywang. Pumayat rin siya. "Na-miss din kita. Na-bored talaga ako nung nawala ka bigla, wala na tuloy akong clown." mataray niyang sabi at siya na ngayon ang nakangisi.

"Really? Well sorry but I do think you'll of boredom." I tilt my head as I crossed my arms above my chest. "Wala nang mag-e-entertain sayo. Mahal na ang talent fee ko, in fact, buhay mo ang kapalit."

As if a sign, biglang nawala ang ngiti niyang nakakaloko at napalitan ng di maipintang mukha. Pikon kaagad? Hindi pa nga kami nagsisimula eh.

"Now, if you'll excuse us," sabi ko with matching british accent pa kahit sa Canada kami galing. "We need to go."

Naglakad ako sa harap niya at sinadya ko talagang bangga-in siya sa balikat kaya napaatras siya.

Kelly's Point Of View

Natawa ako nung binunggo ni Jazz si Suzy, muntik na tuloy siyang matumba. Nanlaki pa ang mata niya at di makapaniwala sa inasta ni Jazz. And her reaction is epic! Mukhang mag-aalburot na siya, hindi maipinta ang mukha dahil sa inis.

Naunang maglakad si Jazz at sumunod si Mayka with her arms crossed as she scanned Suzy from head to toe.

Hinabol ni Suzy ang naglalakad kong kaibigan kaya tumakbo rin ako sa kanya. Nang akmang hihilahin niya sana ang buhok ni Jazz ay mabilis akong gumalaw para sana ay hablutin ang buhok niyang naka-pony tail pero I'm already a step too late, naabot na niya ang buhok ni Jazz.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon