Prologue

293 1 3
                                    

May mga taong swerte sa pag ibig. Yung mahal nila, mahal din sila.

Meron ding mga tao na tanggap ng hanggang kaibigan nalang sila, nililihim ang nararamdaman nila, nagpaparaya nalang at mas gustong makita na masaya at ligtas ang taong mahal nila.

Meron din mga tao na may sarili ng pamilya pero hindi pa rin kuntento sa buhay.

Yung iba naman,  gagawin ang lahat kahit makasakit pa sila ng iba, makasama ang taong mahal nila.

At meron ding mga taong ubod ng bait pero naging masama gawa ng kanilang pagmamahal sa taong hindi mabalik ang pagmamahal na ito. Gagawa sila ng paraan para mahalin din sila at Mas gusto pa nilang mamatay kesa makita ang mahal nila sa piling ng iba.

Hindi ko alam bakit nag-iiba ang mga tao dahil sa pag-ibig.

Ako, masasabi kong kasali ako sa mga taong mas gugustuhing magparaya.

Bakit mo pipilitin ang isang taong mahalin ka kung hindi ka naman talaga mahal?

Hindi masama ang ipaglaban ang pag-iibigan ninyo pero marunong din dapat kayong sumuko kung alam nyo nang wala na talagang pag-asa. Hindi lang kayo ang Masasaktan, maaari ding masaktan sang mga taong nakapaligid sa inyo kung pagpipilitan nyo ang isang bagay na tinututulan ng marami.

Kaya nagdesisyon akong bumalik sa Japan. Pinipili kong isuko ang pagmamahal ko sa kanya para sa mga taong mahal ko.

Hindi ko lam kung anong mangyayari sa akin...

Magiging masaya ba ko?

O lalo lang akong makakaramdam ng sakit dahil sa mga bagay na hindi ko naman talaga gusto.



Alam kong may mga tunay na kaibigan akong hindi ako tatraydorin kaya kampante akong hindi ako mag iisa at susuportahan nila ako, ano man ang maging desisyon ko.



Pero mali pala ako.

Dahil yung isa sa mga kaibigang pinagkatatiwalaan ko ng lubos...

Niloko ako.

At hindi lang sya...

Pati ang taong minahal ko ng lubos, tinraydor ako...





Lahat ng taong pinagkatiwalaan ko at minahal ko...

Iniiwan lang ako...

Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko para hindi maging masaya.

Nakatadhana yatang mabuhay akong mag- isa.



Kaya kasabay ng pag-alis ko dito sa Pilipinas ang pangako na kahit kelan, hindi na ko magtitiwala ng lubos at magmamahal.

I Can't Run Away From My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon