^^^^^^^^
{The PREDATORS…}
Rion’s POV
Humiga ako sa hood ng Viper at inunan ang dalawa kong kamay. Hmmmnn…
May naalala ‘ko sa kotseng ‘to. The power puff girls. The thought brought a smile to my lips.
I’ve seen lots of undies, be it lacy, satin, silk or in different colors and materials. At meron ding halos wala ng takpan. I only take glance at them because I am more expert in the undressing department…
But never a thing with cartoon characters printed on it!
Halos mamilipit ako sa katatawa kanina. I just stopped myself because it might get her offended more.
And I’ve seen again her pouting pinkish lips and her rosy cheeks. Mga pisnging lalong nagkulay dahil sa inis.
I let out a hard sigh…
Dollar…Dollar…Dollar…
“Muntikan na tayong mapatay kanina and yet nakakangiti ka pa ng ganyan.”si Moi at pinatong sa tabi ko ang umuusok na tasa ng kape.
“I’m not on my best day to let myself get killed by those rookies.” Sabi ko, kinuha ang tasa at umupo sa hood ng Viper, elbows on my knees.
“Yeah, me too, but they surprised us a…little bit.” Si Moi at humigop ng kape pagkatapos ay kumunot ang noo.
Hinintay ko talagang siya muna ang uminom ng kape niya. At base sa reaksyon niya, hindi matatawag na kape ang lasa niyon.Tinitigan ko ang malabnaw na kape sa tasa.Tsk.Tsk.Tsk.
Wala talaga ‘kong tiwala sa pagtitimpla ng kape ni Moi. Moi was right. Hindi namin inaasahan na bubweltahan kami ng mga sindikato. They were like puppies scurrying in fear whenever they heard of us these last few years.
“So I heard the news.” Si Zilv na bumababa sa hagdanan na nagkokonekta sa basement at sa opisina ni Alvaro. “Bakit hindi nyo na agad tinapos?”
“They are wounded. It’s not the time to kill them. Let them learn their lesson and besides,
hindi ka namin kasama kanina, we’ll give you the opportunity to play with them later…” ako yan.
Zilv just shrugged his shoulder and joined us in the semi-dark basement. Inalok ko sa kanya ang kapeng hindi pa nagagalaw. Sinilip lang niya ‘yon at umiling.
“C’mon guys! Trust my culinary talent when it comes to coffee brewing, you’re hurting my feelings!” at hinawakan pa ni Moi ang dibdib at kunwari ay nasaktan. “Ugh! Sino bang may sabing kape ‘to, maiinit na tubig lang ‘to,nilagyan ko lang ng konting kulay. Mas gwapo naman ako sanyo.” Bulong ni Moi at in-straight ang laman ng tasa.
Yeah, that’s Moi and his antics.
“Cut it out, Moi! So what’s the plan?” si Zilv
.
“Hintayin muna natin kung babalik sila at seryosohin ang trabaho nila. Then we’ll wait for Alvaro’s command.”
Ganoon naman talaga, we move when Alvaro ordered to. Tumango lang ang dalawa at mayamaya ay nag-usap na sila tungkol sa kung anu-anong bagay, nagbatukan, nagpitikan at mayamaya ay nagpaligsahan na sa paglalaro na ng PSP.
We are not friends, sina Zilv at Moi oo, but I prefer not to attach myself to anyone… Yes, this is my group.
Parang hindi nangyari kanina na nakipaghabulan kami sa mga bala, at parang hindi kami tumatapos ng mga sindikato tatlong beses isang lingo, doing our filthy jobs.
Yeah, we are vigilantes, other called us predators.
Pero wala talagang opisyal na pangalan ang grupo namin. Grupong pinasok naming tatlo ilang taon na ang nakakalipas…na may iba-ibang dahilan.
That was five years ago nang malaman ko ang grupong ‘to nila Alvaro. Yun din ang taon kung kelan nakilala ko sina Moi at Zilv. I was only fifteen and a juvenile delinquent, Nagrerebelde sa mga nangyari sa buhay ko, sa galit kay Don Marionello, at sa mga magulang na ngiwan sakin.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists