(Oneshot) "Bakit Mo Ako Nilista?"

111K 3.9K 1K
                                    

Oneshot: "Bakit Mo Ako Nilista?"

 © Filipina Wattpad 2013

"Princess, maglista ka. Behave at Noisy." utos ni Ma'am sa'kin. "At yung mga behave, mauuna lumabas. At yung mga maraming tara, ma-sta-stay." dagdag pa n'ya.

Tae naman! Lagi na lang ako! Dahil ako yung pinakatahimik sa klase, ako na lang lagi! Utut! Pero dahil masunurin akong bata, tumayo na ako at kinuha yung chalk at nagsulat ng 'Behave' at sa katapat naman ay 'Stay'.

Ako nga pala si Princess D. Grade 5 :) Batang bata pa no? Syempre! :D

Dahil ako yung pinakatahimik sa klase... o parang sa school ata, lahat ng mga kaklase ko, walang gumagalaw. Yung iba, umub-ob na lang sa kanilang desk. Kaya ayun, yung lahat ng naka-ub-ob, nilista ko sa Behave.

Habang pinagmamasdan ko lahat ng mga kaklase ko... lahat ng kanilang galaw, bigla akong nakarinig ng tawa.

"Hi Princess!" sabi pa nung taong tumawa sabay kaway sa'kin at ngumiti pa.

Kaya agad kong hinarap ang board at sinulat ang pangalan n'ya.

Noisy:

1. Ervin

2.

At haharap na sana ulit ako nang marinig ko ulit yung boses n'ya.

"Bakit mo ako nilista?" tanong n'ya.

"Binati lang naman kita ah!" dagdag pa n'ya.

Hindi ko s'ya sinagot. Tahimik nga ako di ba?

"Oi! Bakit mo ako nilista?" ulit n'ya pa.

"Bakit???" ulit n'ya ulit.

Kaya,

Noisy:

1. Ervin - ||||

2.

Nagtawanan yung mga kabarkada n'ya. At lahat nung mga tumawa, nilista ko rin.

"Ano ba yun? Kada salita ko, tinatara mo ako? Ang daya mo naman!" Hindi ko s'ya pinansin. At bago maglabasan, nakasama s'ya sa 'Stay'. Pero syempre, 5 minutes lang naman yung tinagal nung mga yun sa room. Paano ko nalaman? Nung lumabas kasi ako, umihi muna ako. Tapos paglabas ko, nakita kong pinalabas na rin sila. Eh ako yung pinakaunang pinalabas ni Ma'am dahil ako nga yung pinakatahimik (paulit ulit?) tapos malalaman kong ganun? Aksaya lang sa chalk!

Bumababa ako nun ng marinig ko ang mga boses ng kabarkada nila. At mukhang nagtatawanan pa sila.

"Ano ba yan Ervin! Wala ka pala eh!!! Torpe!"

"Tumahimik ka na lang. Eh di ako na ngang di kinakausap! Bakit, kayo ba kinakausap?" - boses ni Ervin ito, panigurado ako.

(Oneshot) "Bakit Mo Ako Nilista?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon