AN: Ayun oh! Nakagawa rin ako ng horror story! Sino ang mag-aakala! Sana lang guys wag nyo ako masyadong birahin o laitin kasi first horror story ko to at sa totoo lang hindi naman talaga ako masyadong mahilig sa mga horror at di rin ako palabasa ng mga horror stories kaya di ko alam kung pangkaraniwan at ordinaryo na ba ito sa mga horror stories kaya sana magcomment kayo ng totoo kung nakakatakot ba. Hehehe…
Gusto ko lang talaga gumawa ng iba’t-ibang stories sa iba’t-ibang genre kaya nagtry ako. Malay nyo naman effective sa inyo! ^^v
Oneshot lang to.
Barang
Ang lakas ng iyak ni Mrs Enrique sa burol na iyon sa mansyon. Walang pagsidlan ang pagdadalamhati nito dahil nakita nito mismo sa mga mata nito na totoo ang nabalitaan nito na namatay na ang asawang si John. Nagulat naman si Agnes sa biglaang pagdating nito sa burol. Hindi niya akalain na dadarating pa ang tunay na asawa ni John.
“John bakit mo ako iniwann!!!! Huhuhu…” Pagsasalita pa ni Mrs Enrique sa pagitan ng pag-iyak.
“Tama na Zeny. Wala na tayong magagawa pumanaw na si Kuya. Ipagdasal na lang natin ang kaluluwa nya.” Pag-aalo ng kapatid ni John na si Jenny.
“Paano akong hihinahon? Namatay ang asawa ko Jenny at sa tingin ko kasalanan ng babaeng yan ang lahat!” Humahagulgol pa din si Zeny saka siya tinapunan ng nagbabagang tingin. At pagkatapos ay nilapitan siya nito atsaka pinagsasabunutan. “Hindi ka pa umamin! Alam ko pinapatay mo na ang asawa ko para mapunta sa’yo ang lahat ng kayamanan nya! Sumpain kang kabit ka!!!” Patuloy pa rin sa pagwawala si Zeny at wala syang magawa sa lakas nito. Hamak na mas malaki ang katawan nito sa kanya.
Agad namang umawat ang mga tao roon sa kanila.
“Zeny ano ka ba. Inatake sa puso si Kuya!” Pag-awat ni Jenny sa babae saka lang nailayo ng mga ito sa kanya ang ginang.
“Lumayas kang babae sa pamamahay ko! Isa ka lang muchacha na oportunista! Isama mo ang mga bastardong anak mo na yan!” Pagsigaw pa ni Zeny sa kanya.
Wala na syang nagawa kungdi ang umiyak na lang. Dahil alam niya wala siyang karapatan sa pamamahay na iyon. Umiiyak na rin ang mga anak niyang sina JR at Sheena. Mas lalo lang mapapasama ang sitwasyon kung papatulan pa niyang ang unang asawa ni John. At mas lalong ayaw nyang madamay ang mga anak nya.
Ayaw sana niyang iwan ang huling mga gabi na makakasama niya ang asawa pero masyadong galit sa kanya si Zeny para makipagmatigasan pa siya rito. Alam niyang tulad niya ay nagluluksa rin ito. Hindi lang niya inakala na may natitira pa rin pala itong pagmamahal para sa namayapa nilang asawa…
Zeny’s POV…
‘Hmp! Mga tanga! Yan lang ang nababagay sa’yo John. Nagawa mo akong traydurin noon kaya nararapat lang na magdusa ka hanggang sa kamatayan mo at ng magaling mong kabit. Isinusumpa ko sa harap mismo ng kabaong mo na hindi ako titigil hangga’t hindi kayo nagsasama ng magaling mong kabit hanggang sa kabilang buhay. At ang kayamanang pinaghirapan mo? Sa akin lahat mapupunta yun.’ Nakangising sabi sa isip ni Zeny habang nakatunghay sa kabaong ng mga asawa.
Nakatalikod siya sa lahat at sya lang tanging nakatayo sa harap ng kabaong na iyon ng asawa kaya hindi nakikita ng mga ito ang mga pagngisi-ngisi niya.
‘Ano ka ngayon John? Wala ka nang magagawa dahil patay ka na’ Patuloy pa rin na pag-iinsulto ni Zeny sa isip nito patungkol sa bangkay ng asawa.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists