Klase Ko

spinner.gif

Napaka bilis ng araw examination na nila para sa first grading, madaming pangyayari ang naganap, mga bumuo sa pagkatao niya. Lagi parin niyang kakambal si unas sa kalokohan at iba pang bagay na magpapasaya sa kanila. Gaya ngayong exam nila, naka ready na ang OK(Operation Kodigo), Ibat ibang paraan ng pangongodigo, ang iba'y nasa ginusot na papel ang iba nama'y nakasilid sa loob ng ballpen, mayroon ring nakalagay sa loob ng panyo at mga senyas na kay kahulugan lalo na kung multiple choice asahan mo na ang mga instant sign language expert at ang isa pang paraan ay ang pag susulat ng mga sagot sa sapatos, di nga naman halata dahil itim ito, ngunit pag itoy inilapit makikita mo yung mga hidden text na nakasulat dito at ang pinaka kakaiba ay ang TS(Tattong Sagot) dahil ito'y nakasulat sa binti ng isang experto sa pangongodigo ito'y nagagamit nila sa tuwing mag di di-kwatro sila't siismpleng tingin sa hita. Hindi epektibo ang cellphone sa klase nila berting dahil sa may metal detector and school nila. Pero kahit anong gawin nila mahusay talaga sa monkey moves ang klase ni Berting.

Berting: Unas na alala ko nung elementary ako, namangha sakin yung teacher ko.

Unas: Bakit naman? ikaw, kinamanghaan?

Berting: Oo naman, ako pa!  Naalala ko kasi nung minsang nag exam kami't nagkaton di ako naka pag review , natuto akong gamitin ang isip ko, na isip ko na sa letrang "c" pwede lahat ng letter, sa letrang ito pwede kong gawin ang Letter "a", "b" at "d", kaya ang ginawa ko sinagot ko 1 -50 na exam puro "c".

Unas: Aba'y akalain mo yun naisip mo yun, ano resulta?

Berting: Syempre! kinausap ko yung katabi ko at nakipag deal sa kaniya, dahil sa tuwing mag checheck kami ng mga papel, sa seat mate lang, ang kaso ang nangyari si teacher yung mag checheck, ayun nayari ako, tinanong ako kung bakit puro "c" sagot ko, ang sagot ko nalang eh yan po kasi mam yung nakita kong pattern ng maaring sagot sa exam niyo, yun ang sinabi ko habang natatawanan ang mga ka-klase ko .

Unas: Hahaha Ayus pala eh, anong score mo't anong sabi sayo ng teacher mo?

Berting: Sabi sakin ng teacher ko ang galing ko daw at muntik ko ng ma perfect yung exam, biruin mo sa di inaasahang pangyayari sampu lang ang mali ko sa pagsusulit na yun.

Habang nagtatawanan ang dalawa dumating na ang kanilang guro na siyang magbabantay sa exam nila,

Mr. Exelenxia: Okay class I will be your substitute teacher for today (Singhot) and I will be the one responsible on your examination(Singhot). Okay get one and pass it on the person behind you(Singhot).

Nagsimula na ang lahat magpasa ng mga test papers, at lahat ay nasa cheating position, lahat ay naaayon sa plano ng klase ni Berting.  Nangyari ang inaasahan, ginamit ang mga resources ng bawat isa umusad ang examination na walang nahuhuling nangongopya. Natapos ang  araw ng exam na ang lahat ay nakangiti't alam ang resulta ng pagsusulit.

Lumabas na ng silid aralan ang pangkat ng klase nila Berting, at sila'y nagtungo sa internet Cafe' para maglaro ng Dota dahil masyadon pang maaga para umuwi. Habang papunta sila berting sa Cafe pinaguusapan nila kung anong hero ang pipiliin nila at kung anong build ng gamit ang susubukasn nila at ng mga panahong iyon gumagana pa ang battlenet sa Dota kahit hindi legit ang Dota game pack mo (Battlenet: Ito ay isang uri ng game client kung saan pwede kayo kumunekta't makipag laro sa kapwa manlalaro online at sa panahon ngayon ang pinaka sikat na game client ay ang Garena). 

Berting: Hoy sino pipiliin mo?

Unas: Mag rarandom ako, para may bagong masubukan.

Berting: Sige ganun na rin ako.

Sila'y nakarating na sa internet Cafe' at magkatabi sa upuan dahil kaunti palang ang mga naglalaro di tulad pag normal na uwian laging punuan at maghihitay ka pa ng may magta-time o matatapos yung oras. 

Berting: Buksan ko lang Friendster ko mag papalit lang ako ng layout. may bago akong CSS(CSS: Ito ay ang gamit sa pagdedesenyo ng isang website at ito rin ang gamit ng friendster para sa friendster layout, para magkaroon ng astig na interface yung profile mo sa panahong uso pa ang friendster at di pa na dodominate ng facebook)

Unas:  Pakopya naman gusto ko rin nyan, tagal na ng layout ko!

Berting: Sige ba!

Ngunit habang nag susurf si berting sa friendster pumunta siya sa profile ni Inez para mag-stalk at tumingin ng mga pictures, nag-iwan ng comment na ang na picture ni Mokona (yung cute na di malaman kung anong uri ng nilalang na makikita sa Magic Knight RayEarth dahil ito'y paborito ni Inez at may "Have a nice day" na text sa ibaba ng GIF (yung gumagalaw na picture) ). At lagi siyang nag popost nun dahil sa pag pagka assuming niya na para lang sa kanya yung laging pinopost ni Inez na "Salamat sa mga comment niyo sa profile ko. :") ). ang hindi niya alam ay para sa lahat ng tayo na nag popost sa wall ni Inex iyon.

Berting: Unas basahin mo to oh!

Unas: POTASSIUM!! (-_-)

Berting: Grabe ka naman di naman, syempre pang motivate ko lang sarili ko yan, para kahit papano sumaya ako.

Unas: Alam mo wag ka masyadong dumipende sa imahinasyon, hindi ginagamit yan madalas, paminsan minsan lang, bahal ka sa huli baka ang pag ilusyon mo mag level up.

Berting: Edi wag! pambihira ka naman kala ko kaibigan kita. It hurts dude! T.T

Unas: tara na Start na oH!!!

 

 

 

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Jose Manaloas Berting
Shalani Soledadas Inez
Willie Revillameas Unas
Hilda Koronelas Joy

Who's Reading

Recommended