HDDL 28 - Daughters-in-law

145K 1.6K 89
                                    

Chapter 28

"Hija, dahil ba sa anak ko kaya ka wala sa sarili?"diretsang tanong sa 'kin ni Tita Caroline. Sa isang vacant na patient's room kami nag-uusap. Seryoso ang mukha nya kaya kinakabahan ako.

"Hindi po,"mabilis kong sabi. "Inaantok lang po talaga ako,"

Kung sakali man, ayaw nya sa 'kin?

"O dahil kay Exer?"sa halip na sabi. I was taken aback when I heard his name. Agad ding parang may pumiga nang puso at nahihirapan akong huminga. Parang gusto ko ring pumalahaw ng iyak. Bakit ba kasi ganito kasakit?

"So, I'm right. And Jewel's right,"tumatango-tangong sabi nya. Pero parang sa sarili lang nya sinasabi iyon dahil mahina ang pagkakasabi nya.

"Ano po iyon?"

Hinawakan nya ang dalawa kong kamay at ngumiti nang masuyo kaya medyo nawala ung kaba ko,"Alam mo ba, unang kita ko palang sa inyo ni Sapphire, sabi ko sa sarili ko, sana isa sa kanila ang magiging manugang ko, bagay sa palikero kong anak. Any mother-in-law would want any of you to be their son's wife. Naramdaman at nakita ko kung gaano kayo kabuting tao. When my son said that he likes you, I felt like I won a lottery. Masaya akong nagustuhan ka nya,"

Masarap pakinggan at nakakataba ng puso kung sino man ang makakarinig ng mga sinabi ni Tita Caroline. Tita Caroline has a very big heart kaya maswerte ang mga anak at manugang nito. Too bad, I'm not qualified to be one.

Itinaas nya ung baba ko para tignan ako sa mata. "Pero, hija, babae rin ako. Nakita ko kanina ung pag-aalinlangan mo nang tanungin ka ng anak ko. At mas nakita ko ung sakit sa mata mo nang pumayag si Exer sa panliligaw ni Blake. Tama ako hindi ba?"

Mas lalo akong napipilan dahil sa sinabi nya. I didn't know that she's observing us earlier. Isa pa, ganun ba ako katransparent talaga?

"You hid it well, hija. Pero sabi ko nga, babae rin ako,"masuyo nyang sabi. "So, are you in love with one of the hottest doctors?,"panunudyo nya.

"N-no,"nauutal na amin ko. "N-not yet but almost there. I guess?" I know I'm blabbering. Pero sa hindi ko pa talaga alam eh.

***

Naging maayos na ung trabaho ko dahil sa pag-uusap namin ni Tita Caroline. Pinilit kong iwaksi muna si Exer. Tita Caroline playfully said that I should avoid Exer to give him a dose of his own medicine. Pero, hindi daw sya makikialam sa 'ming tatlo. Bahala daw kaming mag-ayos ng mga bagay na dapat ayusin. Isa pa, kami naman daw ang gumawa ng problema namin kaya dapat kami rin ang magresolba. Harry might he her son but she's not going to vouch for him or make me love him. She said that when she looks at me and Exer, a true love is bound to happen. Para tuloy naging love guru sya kanina.

Nung lunch, sumabay sa 'min ni Harry. He brought food for all of us. Nag-enjoy naman akong kasama sya pero parang kapatid lang ung kasama ko. I'm comfortable with me but he can't make my heart skip a beat like how Exer effortlessly did it. Katulad nga nung sinabi ni Tita Caroline, hindi ko sya pinansin kaninang nagrounds sya. I did my best to avoid him when he made his rounds. Manigas sya. Nasaktan ako at naiinis sa kanya.

"Ginny, ihatid na kita sa bahay nyo,"pangungulit sa 'kin ni Harry pagkatapos ng endorsement namin. Nag-aayos na ko ng gamit nun para makauwi na.

"Hindi na. May scheduled operation ka ng 3pm hindi ba?"paalala ko sa kanya. Pasyente kasi namin ung ooperahan nya kaya alam ko ung schedule.

"Ay oo nga pala. Bakit ba kasi ikaw na lang naiisip ko lagi?"malawak ang ngiting sabi nya pero alam ko namang alam nya ung operation nya. Harry maybe anything but a responsible doctor.

"Oi, Doc. Quotang-quota ka na sa pagpapacute ngayong araw. Bukas naman,"saway ni Tita Caroline sa kanya bago kumindat sa 'kin.

"Mom, panira ka ng diskarte ah?"

"Kasi naman, isinasama ang personal na buhay sa trabaho,"paniningit ni Sapphire. Isa kasi sya sa kapalitan kapalitan namin.

"Aba! Akala ko ba, close na tayo nung party. Bakit amazon princess ka na naman ngayon?"

"Wag kang feelingero,"

Umaktong suminghap si Harry.

"Bakla ka na ngayon?"parang gulat na gulat na tanong ni Harry pero naglalaro ung kapilyuhan sa mata.

"what?"

"Kasi nagamit ka ng feelingero na word. It sounds gay-ish to me,"

"Bakla ka kasi,"ganting pang-aasar ni Sapphire.

"Doc, bakit parang si Sapphire talaga ang kalove team mo dito?"puna ni Raven. "Ramdam namin ang init ng pagmamahalan nyo eh.

"Che! Baka init ng ulo ko matikman nyo!"saway ni Sapphire. Mas mabilis kasi mapikon si Sapphire pag ibinubuyo sya sa lalaki.

"Sabi na lalaki ka eh. May ulo eh. Up or down?"natatawang pang-aasar ni Harry.

"Tigilan nyo na nga yan,"saway ni Tita Caroline sa kanilang dalawa. "Anak, babaeng-babae yang si Sapphire kaya igalang mo pa rin,"sermon nya kay Harry.

Parang batang napagalitan naman si Harry at napakamot ng ulo. "Sorry, amazon princess,"

Iningusan lang sya ni Sapphire at dumiretso sa comfort room.

"Sungit!"pahabol na asar ni Harry.

"Perv!"sabi naman ni Sapphire bago ibinagsak ang pinto.

Natatawang tinapik ko sa pisngi si Harry. "Paano? Mauna na ko ha? Good luck sa operation,"

"Ihatid na kita sa sakayan,"

"Wag na. Hindi naman ako mawawala,"nakangiting tanggi ko. Nakakahiya lang kasing makita kami ng iba.

Wala na syang nagawa nang si Tita Caroline ang nagpahatid sa kanya. Nagreklamo pa nga si Harry pero si Tita pa rin nasunod. Pero nagulat ako nang nakawan ako ng halik sa pisngi ni Harry nang magpaalam ako sa kanilang lahat, dahilan para tuksuhin kami ng iba nang bonggang-bongga. Ang result tuloy, namumula akong bumaba.

Nag-out muna ako sa nursing service department bago umuwi. Nakakastress ang araw na 'to. Parang ang daming nangyari na hindi ko akalain na isang araw lang or specifically, ilang oras lang nangyari lahat ng yun.

Hinanap ko ung cellphone ko sa loob ng bag. para itext si Tatay katulad ng nakagawian ko nang biglang may humablot sa 'kin at ipinasok ako sa isang pinto. Isinandal nya ako sa pinto at mariing hinalikan.

Dahil sa gulat at takot, tinulak ko ang pangahas at hinampas sa dibdib. Nawala ang inisyal na takot dahil kilalang-kilala ko ang amoy nya and of course, my lips can recognize it's sole owner.

"I'm sorry, love,"

A/N:

Naeexcite ako... XD ^___*

>>>tnx for reading... ^___^

---till next time... ^___^

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon