*_____________*

*badump badump*

Di makapaniwala si Phoebe. Wala naman kasing nangyaring proposal five years ago. At kahit walang hawak na singsing si Kent ngayon, ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

“T-totoo?” tanong ni Phoebe.

Tumayo si Kent at nagkamot ng ulo.

“Naman ang engot eh! Minsan na lang magpropose eh!!”

“Kent…”

“Ano nga? What’s the answer??!”

Seryoso lang ang mukha ni Phoebe.

“Ano! Parang engot na naman toh eh! Ikaw na nga niyayayang magpakasal ulit ayaw mo pa??” sigaw ni Kent.

Niyakap ni Phoebe si Kent. Pero hindi pa rin ito nagsasalita. Wala pa ring sagot si Phoebe.

“Ano yakap na lang? Manghuhula ba ako?? Di ka na magsasalita dyan?” sabi ni Kent habang nakayakap si Phoebe sa kanya.

Matagal-tagal din siyang niyakap ni Phoebe bago ito nagsalita.

“N-nakakainis ka!” maikling sabi nito.

*sniff*

“Bakit? Ako pa ang nakakainis? Umiiyak ka ba?” pilit na umaalis sa pagkakayakap si Kent pero lalo lang siyang niyakap ni Phoebe.

*sniff*