Engaging The Enemy

317K 4.9K 954
                                    

Engaging the Enemy (lol wish I could change the title. was too young when I wrote this.)

Alesana Marie

Prologue

Natulala ang batang si Marian nang makita ang mala-palasyong bahay na lilipatan nila. Ngayon lamang siya nakakita ng ganoon kalaki at kagandang bahay. Ito ang pinakamalaking bahay na kanyang nakita sa buong buhay niya. Napaliligiran ito ng berde at patag na damo. Doon sila mamamasukan bilang katulong kasama ang nakababatang kapatid na tatlong taong gulang pa lamang. Matagal na rin simula nang mag-umpisa silang magpalipat-lipat ng bahay. Wala kasing pangmatagalang trabaho ang kanyang ina. Mahirap lamang sila kaya't kung ano ang trabahong mayroon ay kanilang pinagtitiyagaan. Hanggang sa dumating ang swerte sa buhay nila nang ang mabait na si Doña Lucia ay makita silang magkapatid habang nagtitinda ng sampaguita sa simbahan. Tandang tanda pa niya ang bakas ng awa sa mukha nito nang makita sila. Inalok nito ang kanyang ina ng trabaho sa bahay nito. Libre daw ang tirahan at pagkain bukod doon ay sapat ang sweldong ibibigay nito para sa kanila. Hindi na nagdalawang isip pa ang kanilang ina at kaagad na tinanggap ang trabaho.

Nang bumukas ang gate sa harapan nila ay agad silang pinapasok ng isang lalaki na tila nagta-trabaho rin sa lugar na iyon. Tinulungan sila nito sa pagbibitbit ng gamit papasok sa malaking bahay. Naunang pumasok sa loob ang kanyang ina kasama ang kapatid niya. Siya naman ay napatigil nang mapansin ang mataas na bagay na pinag aagusan ng napakaraming tubig. Inikot niya ang bagay na iyon, walang gripo sa loob nito kaya't nagtaka siya kung saan nanggaling ang tubig na umaagos roon. Hindi rin niya alam kung bakit hindi umaawas ang tubig, tila hindi ito napupuno.

"Who are you?!"

Napaigtad si May nang marinig ang tila pasigaw na tono ng taong nasa likuran niya. Agad siyang napalingon dito at doon niya nakita ang isang batang lalaki na tila hindi nalalayo ang edad sa kanya. Wala pang isang buwan nang tumuntong siya sa edad na pito, siguro ay mas matanda lang ito sa kanya ng ilang taon.

"Sino ka?" mahinang tanong niya dito. Nahalata niya sa mukha nito na hindi siya nito gusto. Marahil ay dahil sa marungis niyang ayos. May butas na kasi ang bulaklaking bestida na suot niya, samatalang ito ay maayos ang suot at mukhang bago at mamahalin pa.

"Ako ang may ari ng bahay na ito," taas noong sagot ng batang lalaki. Humakbang ito palapit sa kanya. "Ikaw? Ano'ng ginagawa mo dito? Siguro magnanakaw ka 'no?"

"Hindi ah!" mariing tanggi niya. Kahit kailan hindi pa niya nagagawa ang magnakaw dahil ayon sa kanyang nanay ay masama daw ang mang umit. "Dito na kami titira nila nanay at Camille. May nga pala ang pangalan ko. Ikaw?"

"Siguro kayo 'yung bagong katulong ano? Ako si Kyle Francis Santiago. Pero kailangan mo akong tawaging Señorito Kyle dahil dito ka sa'min magtatrabaho. Sasabihin ko kay Mommy na gawin kang personal ko'ng katulong. Wala ka'ng ibang susundin kung hindi ako lang, naiintindihan mo?"

"Katulong mo?" napakurap kurap siya.

"Oo, at kapag hindi ka sumunod sa mga utos ko, sasabihin ko kay Mommy na palayasin kayo dito," pananakot ng pilyong bata.

Nasindak naman si May sa sinabi nito. Hindi na niya gusto pang umalis sa napakagandang lugar na iyon. Lahat ay gagawin niya h'wag lang silang mapaalis doon.

"Naku h'wag," pagmamakaawa niya "ayoko nang bumalik sa dating tinitirahan namin. Sige payag na 'kong maging katulong mo basta h'wag mo lang kaming palalayasin dito."

Ngumiti naman ang batang lalaki na kaharap niya. "Nakalimutan mong tawagin akong Señorito Kyle."

"S-señorito Kyle..."

Chapter I

Eight years later...

"May!" ang malakas na tawag sa kanya ng kanyang señorito Kyle habang malakas na kumakatok sa pintuan ng kwarto ng dalaga.

Engaging The EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon