Tips for Aspiring Tagalog Romance Writer

87K 2.4K 481
                                    



Many years ago, katulad mo ay nangangarap lang din ako na makapag-publish ng libro. Noong panahon ko, ang hirap kasi wala pa akong masyadong muwang sa Internet noon at iilan lang ang libro about general writing tips. Kaya naman nang matupad ko na ang pangarap kong makapag-publish ng book, sabi ko sa sarili ko na gusto kong makagawa ng isang libro na makakatulong naman sa mga nangangarap na magkaroon ng sarili nilang libro.


Alam ko kasi kung gaano kahirap ang magsulat nang walang guide. 'Yong kahit magtanong ka nang magtanong sa mga kilala mong writers, minsan hindi ka nila masagot kasi nga busy rin sila sa personal nilang buhay. Been there. And I know the feeling. Kaya heto ang handog ko sa inyo ngayon malapit na ang fifth anniversary ko as a writer.


Ang librong ito aytatalakay sa ilang mahahalagang grammar rules at pati na rin sa mga personalkong experiences sa pagsusulat. Sana sa inyong pagbabasa ay may matutunan kayokahit papaano.    


*****

PLEASE DO CHECKOUT MY VLOGS! ❤️❤️❤️

Tips for Aspiring WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon