wow!!! wala akong masabe... it's awesome!!
|
||||||||
![]() |
||||||||
|
|
||||||||
|
|
23
REGALO NG MAYKAPAL
BY: Randy B. Bataanon 1 Di ko akalaing ako'y pagpalain Ang isang tulad ko'y di dapat mahalin Subalit ng ako ay iyong tanggapin Higit pa sa yaman ang aking naangkin 2 Kayraming isipang ngayo'y nagtatanong Kung anong himalang sa aki'y nag bangon Ang wasak kong buhay sa bagyong sinuong Ay dagling nabuo pagi-ibig mo'y tugon 3 Kahit na ang lungkot ngayo'y nadarama Sa alalahaning ngayo'y malayo ka Ang lahat ng ito'y aking makakaya Upang ipadamang mahal kang talaga 4 Ang maraming tukso'y huwag ipanimdim Ang lungkot at dusa'y handa kong hamakin Sa mundo'y nais kong patunayan narin Na tanging ikaw lang ang mahal sa akin 5 Kahit malayo ka at hindi kapiling Lagi mong kasama ang aking dalangin Mahal ko ang luha'y 'wag ng padaluyin Sa Diyos ang lahat ay ilagak natin 6 Nais ko nga sanang lagi kang yakapin Sa dusa't ligaya ika'y makapiling Huwag ng malungkot araw ay darating Sa Kanyang panahon biyayay kakamtin 7 Salamat at ako ay iyong minahal Kahit walang yaman o buti mang taglay Sayo ko nadama tamis ng mabuhay Isa kang regalo sakin ng maykapal
|
|
||||||
|
© WP Technology Inc. 2009
User-posted content is subject to its own terms. |