Chapter Twenty Four

1.1M 13.7K 2.7K
                                    

Hindi pa rin ako sumuko sa paghanap ng trabaho. Nag-apply na ako sa mga maliliit na kumpanya, wala naman hiring ngayon. Pagminamalas ka nga naman! Napailing na lang ako habang naglalakad sa kahabaan ng kalye. Kanina pa ako naglalakad at tinitiis ang tindi ng sikat ng araw. 

Tumawid ako sa kalsada at hindi ko namalayan ang paparaan na kotse. Narinig ko na lang ang maingay na pagbusina nito at kasunod nun ang pagbunggo sa may hita ko. Hindi naman masyadong malakas ang pagkabangga sa akin pero masakit. Napaupo ako at napahawak sa parteng nabangga ng kotse.

"Are you alright?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Tumingala ako sa kanya at hindi agad ako napagsalita ng makita ko kung sino ang may-ari ng boses na iyon.

"Tristan?" Gulat na sabi niya. Ilang taon na mula ng huli kaming magkita. 

"Meredith." I said. Ilang taon na ang nakakaraan pero parang hindi pa rin nagbabago ang itsura niya. Maganda pa rin at mukha pa rin siyang bata sa edad niya.

"Okay ka lang ba?" May pag-aalalang tanong niya.

"Oo." Pinilit kong tumayo at paika-ikang naglakad.

"Sandali, Tristan." Hinawakan niya ako sa isang kamay para pigilan ako. Lumingon ako sa kanya. "Ihahatid na kita sa pupuntahan mo."

"Maglalakad na lang ako." Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang hawak ko. Parang nahiya naman na binitawan niya ito.

"I insist. That's the least I can do." Sabi niya. Hindi ko na nagawang tumanggi pa dahil masakit talaga ang hita ko. Siya ang nagdrive ng kotse at umupo ako sa passenger's seat.

"Kamusta ka na?" Tanong niya habang nakatuon ang paningin sa kalsada.

"Okay naman." Sagot ko.

"That's good. Ang laki ng pinagbago mo.  You look even hotter than the last time I saw you." She giggled.

"Salamat." Iyon lang ang nasabi ko.

"Masyado ka naman pormal. Para naman wala tayong pinagsamahan niyan." Sabi niya sa akin. "Naglunch ka na ba?"

"Hindi pa." Sagot ko.

"Halika, lunch tayo." Aya niya.

"I think I'll pass." Sabi ko. 

"Come on, Tristan. Ngayon lang nga tayo nagkita ulit. Pagbigyan mo na ako." Malambing na sabi niya.

"Dith, baka may makakita sa atin." Sabi ko. Ayoko na ng gulo. Muntikan na akong mapatay ng asawa niya ng malaman niya ang relasyon namin noon. Tinakot lang siya ni Didith na kapag pinatay niya ako ilalabas niya lahat ng baho ng asawa niya sa publiko kaya heto ako ngayon at humihinga pa rin.

The Sex Goddess' First Love [Published under Sizzle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon