Chapter 48 - Ebb and Flow (October 16, 2018)

120K 3.2K 2.1K
                                    

#IHK48

"Mia! Mia!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mia! Mia!"

Malalakas na sigaw ang gumising kay Miala. Para siyang masusuka sa sobrang pagkabigla. Nakalimutan na naman niya kung paano siya nakatulog kanina at paano siya biglang nagising nang nakaupo at nakayakap lang sa kung ano.

At saka niya lang biglang naalala na nakipagkita nga pala siya ulit kay Andres at niyaya na naman siya nitong sumakay sa motor para pumunta sa shelter. Hindi niya akalain na 'yung dating kinatatakutan niya na pag-angkas sa motorsiklo, sobrang kinaenjoyan niya naman ngayon. Sobrang kumportable niya at kampante to the point na nakatulog na siya.

Mabilis siyang bumaba ng sasakyan. Dahil sa bilis ng paggalaw, muntik na siyang ma-out of balance. Kung hindi lang siya nahawakan sa braso, baka napaupo na siya sa mainit na semento.

"Sorry. Sorry nakatulog ako. Parang tulog pa rin utak ko." Sabi ni Mia habang tinatanggal ang helmet. Hindi pa rin nagsasalita si Andres at nakatingin lang sa kanya. Mukha itong galit. "Huy."

"Mali to eh. Sa susunod hindi na kita isasama."

"B-bakit?!"

"Kanina ka pa ba tulog?"

"U-uhh... Yata?"

"Miala naman!"

Nagulat si Mia sa lalong pagtaas ng boses ni Andres.

"S-sorry na. Sorry na. May sinasabi ka ba na hindi ko narinig? Pasensya na. Hindi ko naman akalain na makakatulog ako eh."

"Hindi ka dapat natutulog habang naka-angkas. Hindi ba dapat automatic 'yun? Shit, what would happen if you doze off and fall?"

"H-ha?"

"Please allow me to keep all my hair today Mia. Paano kung makabitaw ka sa'kin?"

"Hindi ako bibitaw."

"Paano mo malalaman na hindi ka bibitaw? Ikaw nga hindi mo 'yun mamamalayan?"

Hindi alam ni Mia kung ang pagbitaw pa rin ba niya sa bewang nito ang pinaguusapan, pero pinilit niyang ngumiti.

"Hindi nga. Kumalma ka na."

"Isasakay kita sa taxi mamaya. Hindi ka na sasakay sa single mamaya ah."

""Eto naman! Hindi nga nga ako matutulog."

"Oh, please. Mia. I know. I am welcome to the idea that in the end, you will destroy me. Pero huwag ganito. Hindi sa ganitong paraan. Hindi sa masasaktan ka rin. Baka mapahamak pa buhay mo. Hindi ka na sasakay kung inaantok ka. Okay?"

"Hindi na nga..."

Tumahimik na lang si Mia at sumunod kay Andres papasok sa shelter.

Pagpasok pa lang nila, sinalubong agad sila ni Alvin who lead them to the kennels. Agad namang dumiretso si Mia sa kinaroroonan ni Matti. 'Yung maliit na Irish Wolfhound na binisita nila dati.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon