Kabanata 11

239K 4.9K 593
                                    

Kabanata 11

Nagtext na sa akin kagabi si Clyde. Nasa ICU pa daw ang Tatay niya kaya mapipilitan silang manatili dun ni Ate Gelene ng ilan pang araw. Nagtataka naman ako kung bakit nandun pa din si Ate Gelene. Pwede naman na siyang umuwi ng Maynila. Kung sa pagddrive naman ang iniisip nila, pwede naman sigurong magpahatid si Ate Gel sa driver nila Clyde?

Pilit kong inalis sa isip ko yung posibilidad na may kakaibang nangyayari sa Bicol. Walang nangyayari, Annika. Paranoid ka lang dahil sa mga pinapasok sa isip mo ni Derek.

Biglang pumalakpak sa harap ko si Dale. "Annie, okay ka lang?"

Napaayos ako bigla ng upo. Nandito nga pala kami ngayon sa university dahil may departmental exam kami sa isang Engineering Science. Kasabay din namin mageexam si Derek. Mabuti naman at may exam kasi kahapon at noong isang araw, hindi niya ako kinulit dahil nagrereview siya. Nung tinanong ko nga si Key, sabi niya Dean's Lister daw si Derek. Medyo nagulat nga ako, hindi kasi halata. Kaya naman pala madaming naghahabol sa kanya. Bukod sa manyak at malandi siya, matalino din.

Tumango ako. Kakatapos lang ng exam at medyo lutang pa ako. Nakasagot naman ako pero sa tingin ko hindi mataas masyado ang makukuha kong grado. Napapadalas kasi ang pagtingin ko sa cellphone kung nagtext ba si Clyde. Magiisang linggo na kasi sila sa Bicol. 

"Nakakabobo yung exam. Tara sa caf, kain tayo," aya sa akin ni Dale. Tumayo naman ako at inayos ko yung gamit ko. Gaya ng dati, wala pa din akong ibang kaibigan bukod sa banda nila. Okay na okay naman ako na kasama sila lalo na si Dale pero syempre may pagkakataon na kailangan ko din ng babaeng kaibigan.

Kinalabit ako ni Dale. "Kanina ka pa lutang, a. Okay ka lang ba talaga?"

Binigyan ko ng ngiti si Dale at saka sabay kaming naglakad papunta sa cafeteria. Hindi na ako nagulat nung may kumalabit sa amin. Syempre, kailan nga ba ako titigilan ni Derek? Tinalo niya pa ang konsensya ko sa pagiging makulit, e.

"Kakain kayo? Sabay na ko. Nagugutom na din ako," sabi niya at saka inakbayan kaming dalawa ni Dale. Medyo pinagtitinginan kami ng mga babae. Syempre nga naman, magkasama ang dalawa sa iniidolo nilang banda. At ako? Syempre ako na naman yung babaeng swerte. Swerte kasi malaya kong nakakausap ang mga idolo nila. Kung alam lang nila kung gaano ko gustong wag kausapin ni Derek.

Pumila kami at bumili ng pagkain. Gusto ko sanang suntukin si Derek pero baka sugurin ako ng mga fans niya. Paano ba naman, kung anu ano ang nilalagay sa tray ko.

"Ako magbabayad. Kain ka lang, Annika. Para kang kalansay."

Pilit akong ngumiti sa kanya. Di tumatalab ang pagiging masungit ko dahil mas lalo siyang nagpupumilit. Susubukan ko namang maging civil.

Nung makarating kami sa bayaran, siya ang nagbayad sa nasa tray ko. Malamang. Ang kinuha ko lang naman ay isang banana bread at isang calamansi juice, siya 'tong nagdagdag ng kung anu anong pagkain, e.

Nagbayad siya ng 250 pesos. Malaki na iyon para sa akin at kung tutuusin, meryenda lang naman ang kakainin ko. Pang lunch at dinner ko na yung binayaran niya!

Umupo kami sa bandang gilid ng cafeteria. Akala ko noon, parang nasa sine kami. Yung tipong may sariling upuan ang banda nila Clyde. Hindi naman pala. Sila din yung tipo ng pag walang maupuan sa cafeteria, dun sila kumakain sa pratice room. Normal din silang tao.

"Anong balita kila Clyde? Buhay pa ba? Di nagpaparamdam, e."

Bumuntong hininga ako. Naalala ko na naman si Clyde.

"Nagtetext ba, Annika? Nagpaparamdam pa ba o baka busy na kay Gelene?"

Tumikhim si Dale. "G-ago ka talaga, Derek. Wag mo ngang gatungan si Annie."

Hindi Ko Inakala (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon