Chapter 2: We are FIRE!!!!

5.2K 103 20
                                    

 

*Yuki POV*

Pagkatapos kong ayusin lahat ng gamit ko tinawagan ko na yung 3 kong bestfriend na pumunta sa Cruisine House (tambayan namin).Pagdating ko sa C.H kompleto na sila.


"hey Fire!! Wazuup!!"


"yoh!! Balita ko nakipag away ka na naman kagabi?" -Jhazen


So kailangan ganyan agad bungad sa akin....bilis talaga niyang makasagap ng balita...kaya di na ko magtataka kung alam niya talambuhay ko....


Meet Clyssley Jhazen Wright...haba ng pangalan eh noh....Jhazen for short...ang Mysterious Princess ng BITCH...masikreto kasi siya sa buhay although magkakasabay na kaming lumaki, masasabi kong sa lahat ng taong nakilala ko siya ang pinakamainiping tao....ayaw na ayaw niya sa lahat pinaghihintay siya...sabi nga niya just please don’t waste her PRECIOUS TIME kung baga.. ..Laging nakapoker face at hindi daw marunong ngumiti sa unang tingin mo kasi parang akala mo wala siyang pakialam sa inyo pero kapag nakasama mo na siya ng matagal malalaman mo kung ano talaga ugali niya saka ayaw nya sa lahat yung backstabber..mataray yan minsan lalo na sa boys ewan ko ba kung man hater ba siya o hindi. Tahimik siya ibang tao lalo na kapag tinatamad siyang magsalita..

Yeah right pati sa pagsasalita kinatatamaran niya pero kapag nasa mood naman siya naging madaldal siya yung nga lang minsan lang mangyari yun kaya nga kapag nasa mood siya sinusulit na naming at talaga dinadaldalan na talaga naming siya. Kapag sinumpong naman siya ng katopakan lalo na kapag badtrip or wala sa mood mas mabuting wag mo siyang kausapin o lapitan nagiging demonyita kasi siya  kapag naiinis at naasar pero kahit ganyan siya may pagkakalog din yan parang kami lang and lastly hindi siya nakikipag usap at namamansin sa mga taong di niya kilala o kaclose.. 



"naku ano pa ba bago dun...yan pa!! Kahit pumuti man ang mga uwak hinding hindi mo yan mapapatigil" -Yhamil


..eh bakit ba!! Eto gusto ko eh dito ako masaya...saka alam ko naman na tanggap nila ako kung sino man ako kahit na gangster pa ako



Itong mga ‘to talaga hindi na nasanay sa akin


meet Princess Yhamil Ali....Yhamil for short but please don’t call her Princess dahil di daw siya comfortable na tawaging siyang ganun... parents lang daw nya yung pwedeng tumawag sa kanya nun..also knows as Charming Princess..cousin ni Jhazen ...mabait sa mabait pero ayaw niya sa lahat yung babaeng sobrang arte na akala mo kung sino. Spoiled brat, may pagkaisip bata minsan at napaka warfreak niya pero kahit ganyan siya masasabing mong napakaswerte mo dahil naging kaibigan mo siya actually siya ang pinakaclose ko sa amin apat siya kasi ung una kong naging kaibigan nakilala ko kasi sila Jhazen at Zynlyn dahil sa kanya


Sa unang tingin mo mukha siyang tahimik na hindi makabasag pinggan pero kapag nakasama mo na siya napapatunay mo na nagkamali ka lang dahil nakapakadaldal niya at super kulit!!

Hindi rin siya kumakain ng gulay tulad ko pero mahilig siyang kumain ng chocolates at icecream..sa pagkakaalam ko may isang tao siyang matagal ng hinahanap na hanggang ngayon hindi pa niya nakikita. Ewan ko ba diyan kung bakit natitiis niyang hanapin yung taong yun hindi niya ba alam na mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita


"tsss...so kailangan ako topic niyo? Di ba pwedeng si Zynlyn muna?"



"oh?? Bakit nasama ako jan? Kitang nanahimik ako dito" -Zynlyn



"nanahimik?? Weh?? Kelan pa? If I know busy ka lang naman jan sa kakatxt mo sa mga collections mo."

..yeah collection talaga ang term..paano ba naman sabay sabay siya kung magboyfriend at kahit isa wala pang sineryoso...kapag ito talaga nakahanap ng katapat ewan ko na lang..

He's inlove with a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon