welcome!  login | sign up   Facebook Connect
 
Read what you like. Share what you write.

Posted by

rejected_hea...

on Oct 03, 2009
Become a fan

The Last Sad Love Letter: A Poem for Him

1


THE LAST SAD LOVE LETTER: A POEM FOR HIM
by Jadey19



Love?
I need it...
I want to feel how to be loved...
And I want him to be the one
Loving me...
For the last minute of my breath...








Gabriel,


Naaalala mo pa ba kung paano at kailan tayo nagkakilala? ako, tandang-tanda ko pa rin hanggang ngayon. Grade 6 tayo nun, lagi kang inaaway at tinutukso ng mga kaklase natin dahil sa mataba ka. Tuwing inaaway ka nila, wala ka naman ginagawa kundi hayaan ang pananakit nila sa'yo. Ayoko sa lahat yung nang-aapi ng taong wala namang ginagawa. Kaya sa sobrang inis ko nun, sinuntok ko sila. Hahaha. Naalala mo na? Sinabi ko pa ngang...
"Ano! Lalaban kayo ha! Sige! Isusumbong ko kayo sa principal!" at ayun. Nagsitakbuhan sila. Ikaw naman na umiiyak, pinatahan ko. Grabe ah. Ikaw ang kauna-unahang lalaking nakita kong umiyak. Hehe. Nakakatawa ka talaga. After ng insidente na yun, naging magkaibigan na tayo. Ikaw ang unang taong kumaibigan si akin ulit. Ang mga dati kong kaibigan ay iniwan ako kasi may sakit daw akong nakakahawa. Baka daw mahawa rin sila. Ang tapang mo naman nun para kaibiganin ako. Anyway, masaya ako. Nagsisimula na.
High school na tayo. Unti-unti ka ng pumapayat ah. Lalo ka na rin gumagwapo. Kahit high schoolers na tayong dalawa, tayo pa rin ang magkasama. Hindi natin iniwan ang isa't-isa. Magkasabay pumasok sa school, magkasabay kumain ng lunch, magkasabay umuwi. Laging magkasabay. Walang iwanan. Sabi nga nila parang mga kambal-tuko daw tayong dalawa. May nagsabi naman na parang 'tayo' na. Tinawanan lang natin sila. After 3 years, graduating na tayo. Syempre, pag 4th year high school may gimik-gimik na yan. Inimbitahan tayo ng kaklase natin sa isang party. Pumunta tayong dalawa. Nung papunta ako sa labas ng bahay nila, may dumating na isang lalaki. Nilapitan nya ako. Lasing pala. Ang ginawa nya, binastos nya ako. Sino nagtanggol sa akin? Ikaw. Nagsimula na. Tumatakbo tayo, habulan, nadapa ako. Sino tumulong sa akin? Ikaw. Nagsimula na. Nagkasakit ako, isang linggo sa hospital, sino nagbantay sa akin? Ikaw. Ayan. Meron na.
College. Parehas tayo ng university. Parehas ng course. May manliligaw na sa akin, lahat tinanggihan ko. Sa'yo, ang mga babae na ang naghahabol pero tinanggihan mo rin sila. Tinanong natin sa isa't-isa kung bakit. Ang sabi natin "Hinihintay ko kasi sya." Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nun. Sobrang saya dahil... basta. Minsan na lang tayong dalawa magkasama. Sa sobrang busy natin. At may kanya-kanya ng barkada. Naisipan ko tuloy, maghulog kaya ako ng sulat sa locker mo. Ginawa ko. Sa sulat na yun, nakasulat dun ang mga tulang ginawa ko. Friendship or Love. Lahat nun, ibinigay ko sa'yo. Walang kang kaalam-alam na ako nagbibigay sa'yo nun. Hindi ko naman kasi nilagay ang pangalan ko. Nakalagay lang dun from "Secret". So, tuwing natatanggap mo ang sulat ko, ikkwento mo sya sa akin. Pangiti-ngiti lang ako. Tahimik. Walang balak aminin. Araw-araw kitang binibigyan. Araw-araw may tula ako. Marahil nagtataka ka nun kung bakit parang hindi ako nauubusan. Gusto mo ba malaman kung bakit? sinabi ko kasi sa sarili ko na magsusulat at magsusulat ako ng tula para sa'yo hanggang sa araw na hindi na ako makakapagsulat pa. Pangako ko yun. Dumating ang araw na pinakahihintay ko, lalabas tayong dalawa para manood. Excited ako nun. Sobra. Pinaghintay mo ako sa kanto ng street namin dahil susundin mo ako. Naghintay ako. Dumating ka. Sa malayo palang, natanaw kitang naglalakad. May kasamang babae. Napawi ang ngiti ko. Pinakilala mo sya sa akin. At ang pakilala mo...
"Si Jillian, girlfriend ko. Sya yung sinasabi ko nun sa'yo na hinihintay ko." girlfriend mo. Ang hinihintay mo. Labag man sa kalooban ko, pinilit ko ang sarili kong ngumiti. Pakiramdam ko sa mga oras na yun ay, madilim ang paligid ko. Walang kabuhay-buhay. Walang kakulay-kulay. Sumama ang pakiramdam ko. Hindi na ako sumama sa inyong dalawa. Nagtampo ka pa nga. Pero inintindi mo ako. Gusto mo akong ihatid sa bahay, tumanggi ako. Ayoko. Ayoko na. Baka pag sumama ka pa. Makita mo lang itong luha sa mga mata ko. Araw-araw pa rin akong nagbibigay ng sulat sa'yo. Tuwing magkikita tayo, si Jillian na ang binabanggit mo. Wala ka ng pakialam pa sa mga sulat na binibigay ko. Kung parehas siguro kayo ng pinapasukan, malamang sya na ang kasama mo buong araw. Hindi na ako. Habang naglalakad tayo pauwi, tinanong ko kung may nagbibigay pa ba sa'yo ng sulat. Sabi mo...
"Meron pa rin." tinanong ko ulit kung binabasa mo pa ba. sabi mo...
/ 3 Next Page

Comments & Reviews ^top


Login to post your comment.
Be the first to comment on this!


Recommended


GoodBye Letter [dedicated ke bhebiie!]

gudbye letter:dedicated s momy bezt qoh

[first day hi6h part i] by: 6enesis.verse.xoxo

STAR OF MY LIFE (Poem for Anabelle)

Tula Para Sa'yo by Jadey19

THE TEST OF A GENUINE LOVE (Part 1)

Magic Spell of Love