Previous Page of 2Next Page

Reyna ng Kamalasan .ƒĢ. (Completed)

spinner.gif

ZYLIE's POV

Kahit naasar ako sa kakukurot ni Alyanna sa tagiliran ko. Kahit ang sakit-sakit na. Parang hindi ko na nararamdaman yung sakit. Binibiro ba ako ni Mr. Fate? What is this sorcery?

“Silver Torres…  Good morning…”Nagpakilala pa siya. Isa sa matitipid na pagpapakilala in this world. Kabaliktaran ni Terrence na lahat na ng adjectives at pangalan sinabi na.

“I’ll be your student-teacher for the whole day whether you like it… or not.” kung iisipin, nakakatakot yung pagsasalita niya. Wether we like it or not? Pero yung mga classmates ko. Alam na. Enchanted. At feeling lucky.

“Buti naman Silver yung section namin ang napili mo! Thank you for choosing us Silver.” sabi ni Denise.

"I didn't get to choose. I was assigned." simpleng sagot nito. barado si Denise "And while I'm your student teacher, call me Sir" 

Aw. Sir daw. Napahiya si Denise kaya medyo naawa din ako. Ano bang meron dito kay Silver na ubod ngayon ng sungit? Kanina nga lang tuwang-tuwa naman siya kay Bettina. Nakakasar tuloy!

“Tama na Yanny… ang sakit sakit ng kurot mo…” bulong ko kay Alyanna. Di pa rin kasi tumitigil. Alam mo yung kinakagat ko na lang yung dila ko para di ako mapasigaw sa sobrang liit ng pagkurot niya.

“Hinding hindi kasi ako makakagetover ngayong araw na ito! It is really my lucky day! One lucky day! Parang nananagip ako! Ang bait-bait naman sa akin ng pagkakataon. Tell me, hindi naman ako nananaginip hindi ba?"

“Kurutin mo ang sarili mo nang malaman mo na hindi ka nananaginip pero please, hwag mo nang idamay ang bilbil ko. Please lang Yans, masakit."

“Wala ka namang bilbil. Ang sarap mo kasi kurutin!”

“Tama na!”

"NO!"

"Tama na please." 

“Keep quiet.” Sabi bigla ni Silver.

Ang taray

At yung mga classmates ko, feeling nila ang cool-cool pa rin niya kahit nagsusungit na siya ng ganun. Kulang na lang ng isang paligo, pwede na siyang maging isang terror na teacher. 

Ano ba naman! Ayan papalapit na sa may bandang amin ni Alyanna si Silver. Tapos huminto siya, sa mismong tapat ng desk ko.

“You…”

Me?

“S-sir?” Napatayo ako. Haru! Nakakatakot palang maging teacher si Silver.

“What was your last lesson?”

*kamot* *kamot*

 Meron ba? May ginawa ba kami kahapon?

"Actually sir wala po kaming ginawa. We just introduced ourselves. 

“How about last week?”

Last week? Eh yung nangyari nga kaninang umaga nakalimutan ako na eh, yung last week pa kaya? Classmates, help? Please. 

Wala talaga akong natatandaan. Ang alam ko lang nagpaalam si Ms Dina bukas. Sobrang tagal ko nang nakatayo at nakakahiya na talaga. Para akong ice cream na nakabilad sa sikat ng araw.

“Next time YOU listen to your teacher.”

Grabe naman talaga si Silver maka-YOU! Parang hindi niya ako kilala. Lagi kasing, pag kasama ko siya, walang nakakakita eh. Tinatawag niya nga akong Zylie… tska pancake… tapos ngayon kung maka YOU siya. Naisip ko, may isa pa ba siyang persona? O may split personality siya?

Hindi nga kaya?

“Okay ka lang?” sabi ni Mikaela.

Tumango ako.

Pero Chemistry. Chemistry ang subject. Sobrang hirap ng pinapagawa niya. Balancing chemical equations? Hindi ko talaga 'to magawa ng mabilisan. Pero siya, parang ang dali-dali lang niyang ituro at gawin. Umabot na nga kami sa kadulu-duluhan na pwedeng gawin sa stoichiometry. Gusto kong sumuka.

3rd year pa lang kami diba pero ano ba yung ginagawa niya? Mala-dissertation na yata yung ginagawa niya jusko. 

After ng chemistry, nagdiwang si Alyanna ng malaman na si Silver din ang magtuturo ng LAHAT ng subjects sa buong araw na yun. Lucky her.

Buong araw ko siyang makikita... at buong araw ko siyang maamoy. Big deal yun.  

~

“Kyaaaaaaaaaaaaah!!! Ang cute talaga! Ang gwapo makalaglag panty! Sana lagi na lang academic day para forever ng ST si Silver my love.” Sabi ni Alyanna nung lunchbreak. Hindi pa rin siya makagetover sa luck niya.

“Huy hwag ka ngang maingay! Ayun lang si Silver oh!” turo naman ni Mikaela sa kinaroroonan ni Silver.

Nandoon nga siya. Hindi siya kumakain. Nakikinig na naman ng music? Marami namang nakaupo dun sa bench na malapit sa labasan. Pero lahat kumakain. Si Silver lang ang bukod tanging hindi. Isa ba siyang bampira na iniiwasan ang pagkain? Sabi ko na nga ba ibang tao to eh. Alam ko kagabi, yung kasama kong Silver, kumain ng marami sa KTV bar. Natatandaan ko yun eh.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (219)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter Twenty Three- Let's Go Out

Who's Reading

Recommended