Hit 19~The Marriage

7.8K 75 11
                                    

Pinagtitinginan si Mia ng mga estudyante.

Kung noon pinag-iisipan nila siya ng masama, ngayon ay kinaiinggitan na siya.

"Ang swerte niya naman. Para siyang si Cinderella!" Narinig ni Mia na sabi ng isang estudyante.

Napabuntong hininga na lang siya. Sa isip niya... Anong Cinderella? Mas bagay ata ang Beauty and the Beast dahil magpapapakasal siya sa isang beast.

Hindi pa rin talaga siya sang-ayon sa kasal, pero wala na rin naman siyang magagawa lalo na ngayon, may petsa na kung kailan iyon.

Noong isang araw kasi ay nasabi na nila sa kanilang mga magulang ang tungkol sa pagbubuntis niya.

Kasama si Nino, ipinagtapat iyon ni Mia sa mga magulang niya.

Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa kanyang ina matapos niya iyong sabihin.

Kitang kita ni Mia sa mukha ng kanyang ina ang pagka-disappoint. Noon pa pala ito may duda. Hindi lang ito nagtatanong dahil may tiwala ito kay Mia.

Ang tatay niya naman ay tahimik lang. Kapag ganito ang reaksyon ng ama, alam ni Mia na masama ang loob nito.

"Sorry po..." matipid na sagot ni Mia.

Pumagitan si Nino. Kahit papano'y gusto nitong maipagtanggol ang kapatid, subalit walang salita na makapagpapahinahon sa kanilang mga magulang.

Hanggang sa may kumatok sa kanila.

Si Nino ang nagbukas ng pinto.

Nagimbal ito nang makita si Yano, kasama ang maraming body guards at ang boss.

Mabilis pa sa alas kwatro, nagbago ang mood ng parents ni Mia. Nataranta sila.

Sino nga naman ang hindi matataranta kapag pinuntahan ng pinuno ng clan? Ang nakakagulat pa ay yumuko sa harap nila ang boss.

"B-Boss, ano pong ginagawa n'yo?" magkasabay na tanong ng nanay at tatay nina Mia at Nino.

"Gusto ko lang humingi ng tawad dahil sa ginawa ng anak ko," sabi nito.

Kasabay niyon ang pagyuko rin ni Yano.

"Wag kayong mag-alala, pananagutan ni Yano ang anak n'yo," dagdag ng boss.

Kasunod na noon ang pagtatalaga ng petsa ng kasal.

Dalawang araw lang iyon pagkatapos ng ikalabing walong kaarawan ni Yano.

Umaga.

Tulad ng dati ay dumaan si Nino sa bahay nina Yano. Laging eksakto sa oras kung lumabas si Yano, pero iba ngayon. Kanina pa naghihintay si Nino, pero hindi pa rin ito lumalabas.

Tiningnan ni Nino ang guard.

Gusto niya sana itong tanungin, pero ang sama ng tingin nito kaya hindi na siya nagtangka. Naupo na lang siya sa may gilid ng gate at nagtiyagang maghintay.

Ilang saglit pa, natanaw ni Nino ang isang magandang sasakyan.

Bumukas ang gate at pumasok ang nasabing sasakyan.

"May bisita sila?" natanong na lang ni Nino.

Ang totoo, hindi pa talaga bihis si Yano. Nakahiga pa nga ito sa kama at tila walang balak na pumasok.

Biglang bumukas ang pinto ng silid nito.

"Hoy! Bumangon ka nga!"

Pumukaw sa atensiyon ni Yano ang boses na iyon. Napabalikwas siya nang makita kung sino ang mga ito. "N-Nandito kayo?"

Ang tinutukoy niya ay ang dalawa niyang kapatid. Sina Yuki at si Trojan. Parehong galing sa ibang bansa ang dalawa.

"Hi kuya!" bati ni Trojan. Isa itong cute na lalaki na may kulay tosolateng buhok. May dala itong tuta. "Hindi mo man lang ibinalita sa akin na nanganak na pala si Azul. Sinong ama?"

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon