Ang prologue ay walang koneksyon dito sa storya. Sa next chapter? Wala. Pero sa kasukdulan ay malalaman niyo. This is a feel good chillin' story. Ang heavy na kasi ng BTF sasabog na ako. Hahaha!

-ChapterOne

**

"Sht, sht, sht" bulong ko. Nagpapantig na ang tenga ko dahil kanina ko pa kasi naririnig ang bulong bulungan ng mga kaklase ko na ako daw at ang EX-MU ko yung iboboto nilang Muse & Escort.

First week pa lang ng klase may ganito na akong problema! Napaka-hassle talaga ng buhay! "GUYS HA, RYAN AT SHANA, Muse and Escort natin ha?" tinignan ko ng masama si Christian kahit busy siya sa kampanya niya sa amin ni Ryan at sa sarili niya bilang Class President.

"So, ano? Start na tayo?" tanong ni Sir Jake. Siya yung class adviser namin. Nagsimula na ang pagnonominate sa President mula Peace officer. Hanggang sa Muse and Escort na. Sht, bakit walang nag-nominate sa akin as Secretary or Treaseurer?

"Sir! We nominate Shana Jade Alonzo!" sigawan ng mga tropa kong lalake. Anak ng putcha naman oh! Pinagsisisihan ko ng nagkatropa akong lalake! Mag-nominate pa kayo! Huta, ang daming mas maganda sa akin!

"Sino pa? Wala na ba for Muse? Si Shana na talaga ang gusto niyo?" tanong ni Sir Jake. Wala naman nag-react. Huta! Mag-react kayo! Lintek talaga! Kahit labag sa loob ko ay tumayo na ako at pumunta sa harap. "Okay. Then, sino naman sa Escort?"

"Sir! We nominate Ry--" hindi pa tapos ang sinasabi nila Christian ay naputol iyon.

"I nominate myself as Escort" nagulat ang mga tropa niya sa sinabi niya. Miski ako ay halos mapanganga ako sa gulat. Taena, ano bang pumasok sa isip niya?

Bumulong naman siya bigla kay Christian. Pagkatapos nun ay nag-thumbs up lang siya sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang maangas siyang naglalakad. Taena, ano bang nasa isip niya?!


"May dahilan ang lahat kung bakit" mahina pero maangas niyang sabi. At dahil kilala ako bilang isa ding babaeng maangas ay hindi ko hinalata nate-tense at gulantang ako sa pangyayari.

"Meron pa ba?" tanong ni Sir Jake.

"Wala na po sir, Close the nominations na!" sigaw nila Christian. Okay? Ano yon? Yun ba yung binulong ni Raven kay Christian? Okay. Incase na wala kayong alam. Si Raven ang isa sa pinakamaangas na estudyante dito sa school namin. Sikat siya, hindi dahil gwapo siya. Tama lang ang hitsura niya pero nadadala yun dahil malakas ang dating niya, maangas gumalaw at magandang pumorma.

At.. Siya ang first crush ko. Tangorange! Naalala ko yung pinagagawa ko nung Grade three ako. Nag-confess ako sa kanya! Tangorange talaga! Naalala pa kaya niya 'yon? Sana hindi na! Dahil baka iniisip niyang patay na patay pa ako sa kanya!

"No offense ha, ryan? Nagsama yung dalawang maangas ohh!" sigawawan ng mga kaklase ko.

"So, kayo na ang Muse and Escort. Uhm, we all know na yung mga Muse and Escort na'yan ay wala lang daw yan role as Class officer. Pero dito sa class ko. Hindi. Iba ang ginagawa ng Muse and Escort ko kumpara sa mga ibang klase" sambit ni Sir Jake. "Well, Bilang Muse and Escort ang role niya Pagandahin ang klase, Maging maayos at madisiplina ang mga kaklase. Just like the other officer. Parang kayo ang magiging partner kung kailangan ng partner, or may mga events"

"Tss, eh daig pa pala namin President eh. Kami na lang kaya president?" mahina kong sabi. Pero nagsabay pa kami ni Raven. Kaya nagmukhang malakas, sht lang! Nagtawanan naman yung mga kaklase ko.

Ngumisi naman sa akin si Raven. Kaya pinilit ko ding ngumisi. Pagkatapos ng konting discussion ay pinaupo na kaming lahat.

Habang naglalakad naman ako ay naramdaman kong may bumulong sa akin mula sa likod ko. "Ice cream parlor. After class. See you there" kahit hindi na ako lumingon ay alam kong kay Raven boses yon.

Ano ba talagang pumapasok sa isip mo, Raven?