Previous Page of 3Next Page

BILIN NI LOLA

spinner.gif

“Kung ano man ang marinig mo sa labas ng bintana, huwag na huwag mong pansinin. Higit sa lahat huwag kang sisilip dahil hindi mo magugustuhan ang kung ano man ang masisilayan mo sa labas nito.”

Summer 2012. Masayang-masaya na bumisita si Leanne sa bahay ng kanyang lola. Malaki ang bahay na ito ngunit may kalumaan na. Panahon pa ng Kastila ang estilo nito ngunit napalitan na nang mga modernong gamit ang loob ng bahay nito. Kinabukasan pa susunod ang mga magulang niya dahil may mga trabaho pa ito. Tuwang-tuwa ang lola ni Leanne nang masilayan siya nito.

“Napakalaki mo na, apo ko.” Sabay halik sa mga pisngi nito. “Aba’y napakaganda pa!” Nagmano naman si Leanne sa matanda.

“Si lola talaga kaya paborito kita eh!” Agad na dumiretso sa sala si Leanne upang mabuksan ang 50-inches na HD PLASMA TV. May balak kasi siyang maghorror movie marathon since para na rin siyang nanonood sa sinehan.

Binuksan niya ang kanyang bag at inilabas ang collection of horror movies na hiniram pa niya sa kanyang bestfriend. Lahat nang ito ay hindi pa niya napapanood kaya sobra siyang excited.

“Leanne, apo, kumain ka muna. Inihanda ni Selya ang paborito mong Kare-kare.”

“Sige po, lola. Kakain muna ako para dire-diretso ang panonood ko. Ayoko kasi nang kumakain kapag nanonood.”

Matapos mag-tanghalian, agad niyang sinimulan ang panonood ng horror movies. Niyaya niya ang lola niya ngunit tumanggi ito dahil hindi daw niya tipo ang mga nakakatakot na panoorin.

Nang pinapanood niya ang pelikulang “Darkness Falls”, dumating ang dalagang apo ni Manang Selya na kasing-edad din niya.

“Bridget, halika rito! Samahan mo akong manood ng horror!” tawag ni Leanne.

“Horror na naman, hindi ka ba natatakot?”

“Manonood ba ako kung natatakot ako?”

“Sige, magpaalam muna ako kay lola. Ibigay ko lang itong mga daing na pinabibili niya.”

Bumalik rin agad si Bridget at bago umupo ay sinara nito ang kurtina na katabi ni Leanne.

“Masyado bang mainit?” tanong ni Leanne.

“Ah hindi, nag-iingat lang.” sagot ni Bridget na bahagyang kinalito ni Leanne. Ngunit hindi na niya ito pinansin dahil sinimulan na nilang manood.

Nang magpakita ang multo sa pinapanood nila, napasigaw si Bridget.

“Kamukha ni Ligaya!” sigaw nito at biglang nagtalukbong.

Pinindot muna ni Leanne ang pause button. Sumakto pa kung saan nakafocus ang mukha ng multo.

“Aaaah! Ayoko na. Patayin mo na yung TV!”

Napahalakhak naman si Leanne sa ikinilos ni Bridget. Bigla namang dumating si Manang Selya at nagalala sa nangyari. Itinuro naman ni Leanne ang screen ng TV at katulad ng reaksyon ni Bridget, nanghilakbot din ito.

“Susmaryosep, kamukha nga ni Ligaya!” at nagsign-of-the-cross ang matanda.

Pinatay muna ni Leanne ang TV at tinanong ang mag-lola.

“Bakit po parehas ang reaksyon nyo? Sino ba yung Ligaya?”

Inalis ni Bridget ang talukbong sa mukha.

“Siya ‘yung labandera ng lola mo.”

“Ligaya? Bakit di ko yun kilala?”

“Kasi kakatanggap lang yun ng lola mo, tatlong buwan pa lang ang nakakaraan.”

“Bakit ka natatakot kung kamukha lang ito ni Ligaya?”

Nagtalukbong muli ng mukha si Bridget. Si Manang Selya ang sumagot.

“Patay na siya, Leanne. Pinatay siya mga dalawang lingo na rin ang nakakaraan.”

Tumayo na si Bridget at nagpaalam nang umuwi. Napatulala naman si Leanne at may bahid pa ring pagtataka.

“Sige Leanne, salamat na lang ulit. Malapit na din kasing dumilim sa daan. Lola, tara umuwi na tayo.”

Nagpaalam muna si Manang Selya sa lola ni Leanne bago umalis. Bago lumabas ng pinto, nagwika si Manang Selya,

“Leanne basta kahit anong mangyari, huwag mong bubuksan ang bintana. Kahit sinong kumatok o magmakaawa. Huwag na huwag mong bubuksan. Hayaan mo nang natatakpan ng kurtina iyan.”

Kahit nawi-weirduhan, tumango na lamang si Leanne.

Matapos  niyang mag-hapunan kasalo ang lola, nagpaalam ito kay Leanne na may dadaluhang ballroom party. Binilinan nito ang apo na ikandado lahat ng pintuan at huwag magpapapasok.

“Sige po lola! Have fun!” paalam ni Leanne.

Ngunit bago tuluyang umalis ang lola niya may ibinilin muli ito.

“Kung ano man ang marinig mo sa labas ng bintana, huwag na huwag mong pansinin. Higit sa lahat huwag kang sisilip dahil hindi mo magugustuhan ang kung ano man ang masisilayan mo sa labas nito.”

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (281)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Kim So Hyunas Leanne
Yoo Seung Hoas Nathan
Park Shin Hyeas Bridget
Song Joong kias Samael
Lee So-Yeonas Patricia
Han Sang Jinas George
Bae Soo Binas Asmodeus

Who's Reading

Recommended