Chapter 8

268K 2.6K 490
                                    

Nakatayo lamang si Stephanie sa labas ng bahay ni Kris, natatakot syang pumasok. Nakagat nya ang ibabang labi nang makita ang oras. 6:00 Pm. 8:00 Am palang tinakasan nya na si Kris dahil nga pupuntahan nya pa ang kaibigan dahil nga nasabi sa kanya ni Leila na.. nagsusuka sya at kung ano-ano ang gusto nyang kainin, Sintomas na buntis.

Kaya agad-agad nyang pinuntahan si Leila, Kinakabahan sya para dito, ni hindi nya nga masasamahan ito para umamin sa ina ni Leila.

30 Minutes na syang nakatayo sa pinto. Bubuksan nya na ba? Bakit nga ba sya nagdadalawang isip eh wala din naman syang uuwian kundi dito? Natatakot talaga syang masermonan ni Kris.

"Wala ka bang balak pumasok?" Muntik na syang mapatalon sa gulat nang makarinig ng boses sa likod nya.

Nang harapin nya iyo ay tama nga, si Kris nga.

Mabilis nyang binuksan ang pinto at tuloy-tuloy na pumasok. Naramdaman nyang nakasunod si Kris sa kanya, hindi ito nagsasalita, pero alam ni Steph na galit ito.

Pumasok sya sa banyo dahil naiinitan sya, Magsho-shower sya.

Hanggat maari ay iniiwasan nya muna si Kris, naalala nya lang si Max dito, naaalala nya lang na nakuha sya ni Kris imbis na kay Max.

May dala-dala na syang Damit bago palang pumasok sa banyo kaya napagpasyahan nya nang sa banyo na lang magbihis.

Nakalimutan nyang bumili ng pad! Hinagilap nya ang dala nyang pouch kanina, buti na lang dala nya sa banyo.

Binuhos nya ang mga laman nito sa nakatakip na toilet bowl. Nakakita sya ng apat na napkin. Kumuha sya ng isa at inayos na ang laman ng pouch nya, nakita nya ang pregnancy tester.

Naalala nyang sakanya pinatapon ni Leila ang PT dahil baka malaman ng ina nito, tinignan nya ito, dalawang linya. Hindi talaga sya makapaniwala na buntis ang kaibigan nya.

"Pwede kayang magkamali to?" Tanong nya sa sarili. May ilan na rin naman kasing nabiktima ng maling resulta ng PT.

Tinapon nya ito sa basurahan at inayos ang sarili nya bago umabas ng banyo.

Paglabas nya ng banyo ng kwarto ay nakita nyang nakahiga si Kris habang nanunuod sa malaking flat screen TV sa harap ng malaking kama.

Marahan syang tumabi dito at tinalikudan ang binata, gusto nya ng matulog. Pagod sya.

Nakaramdam sya ng halik sa batok nya, hinahalikan sya ni Kris.

Naalala nya naman si Max, Paanong ang lalaking ito na hindi naman nya lubusang kilala ay nakuha sya imbis sa lalaking mahal nya?

Naiinis na nilayo ni Steph ang katawan nya kay Kris. Nandidiri sya.

Nasasaktan lang sya sa tuwing dumadapo ang labi ng binata sa kanya. Si Max lang ang talagang may karapatan sa kanya. Naisip nya.

"What?" Naiinis na tanong ni Kris dahil sa pag-iwas sa kanya ng dalaga.

Tinalikudan sya ng dalaga, muling hinalikan ni Kris si Steph, kanina nya pa ito hinahanap, tinakasan sya nito. Ayaw nya munang sermonan ito dahil kanina pa hinahanap ng katawan nya si Steph.

"Fck, Pwede ba?! Hindi Pwede!" Inis na sigaw ni Steph. Bigla na lang nya iyong nasabi sa sobrang inis. Ano bang gusto ni Kris? Ang araw-arawin sya? May period sya ngayon, pero ayaw nyang sabihin iyon kay Kris..

"Ano bang problema mo?" Mas naiinis na tono na tanong ni Kris.

"Problema ko? Ikaw! kaw ang problema ko! Sht!" Sabi ni Steph at nagtalakbong ng kumot. Pagkamuhi ang nararamdaman nya para sa binata.

"fck." Mahinang mura ni Kris. Hindi alam ni Steph ang naramdaman ng marinig ang mahina at malamig na boses ni Kris.

Naramdaman nyang bahagyang gumalaw ang kama, bumukas ang pinto at sumara.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon