54: Lil Brother

3.5M 79.8K 43.1K
                                    

Hindi pa nga nagiging kami ni Jeydon, maririnig ko na kaagad na ayaw sa 'kin ng kapatid niya. Nakakatawa, 'di ba? Pero mas nakakatawa pala 'yong dahilan niya.

"I want her to be my girlfriend!"

Ang gulo, 'no? Gusto rin pala akong maging girlfriend ng kapatid niya. Akala ko nga, sa hitsura lang sila ni Jeydon magkatulad, hindi pala.

"Yah, Jayshin. Huwag kang lumapit kay Aso!" Tinulak ni Jeydon si Jayshin.

Papunta kami sa Yakimix, nag-aya kasi 'yong mommy ni Jeydon na kumain.

"E, sa gusto ko, e! Who are you, her boyfriend? Noona is not your girlfriend!"

"She's gonna be my girlfriend!" Ang sama ng tingin nila sa isa't isa. Noong nakahanap na kami ng table, uupo sana si Jayshin sa tabi ko pero tinulak siya ni Jeydon palayo.

"Boys! Be quiet. Naririndi na sa inyo si Candice." Nasa tapat namin si Tita Janice tsaka si Troy. Mukhang mas naririndi pa siya sa dalawang magkapatid. Sabagay, sanay na kasi ako sa pusang 'yon.

"Okay lang po, Tita, sanay na po ako kay Jeydon."

Napatingin sa 'kin si Jeydon. "Anong sanay? Ang bait-bait ko kaya sa 'yo!" Hinarangan pa rin niya si Jayshin kaya nasa gitna namin si Jeydon.

"See? Naririndi lang sa 'yo si Noona! Ikaw ang lumayo sa kanya!" Pumunta siya sa likod ng upuan namin tapos bigla siyang tumalon sa likod kaya nakaupo na siya sa tabi ko. "Hi, Noona!"

"YAH!" Ang lakas ng boses ng pusang 'yon, pinagtinginan tuloy kami ng mga tao.

"Haha! Noona, 'yan ba ang gusto mong maging boyfriend? Bad boy! Hindi katulad ko, pogi na mabait pa!" Kinindat-kindatan pa niya ako. Parang kaharap ko si Jeydon three years ago. Kamukhang-kamukha niya, e.

"Hoy, Jayshin, tumahimik ka nga!" Nag-usok na 'yong tenga niya sa galit. Hinila niya ako palayo sa kapatid niya. "Dito ka nga!"

"Haha, Candice, mukhang mase-stress ka sa dalawang magkapatid, ah."

Sinabi mo pa, Troy.

"Don't worry, Troy. Kayong dalawa, umayos kayo! Be nice to each other. Get it, boys?"

"Umma, no way!"

"Ayoko nga!"

"YAH!" Mas malakas pa sa boses ni Jeydon 'yong sigaw ni Tita Janice. Huhu, nakakatakot din pala siya. Actually, mas nakakatakot siya kay Jeydon. "Mag-behave kayo! Araso?!"

Tumango lang 'yong dalawa sa mommy nila. Sakto namang dumating na 'yong pagkain. Alam ko na kung kanino nagmana si Ate Jaycee tsaka si Jeydon. Grabe palang magalit ang mommy nila. Kahit si pusa, hindi makapalag. 'Yong dragon, naging pusa ulit, nakakatuwa siyang tingnan. Pero buti na lang, hindi pa ako sinusungitan ng mommy niya. Akala ko kasi, magagalit siya sa 'kin. Hindi man lang siya nagtanong kung bakit ako 'yong kasama ni Jeydon at hindi si Stacey. Panigurado namang alam niya 'yong sa engagement. Nagtaka tuloy ako, okay lang sa kanyang magka-girlfriend ng iba 'yong anak niya kahit engaged na si Jeydon sa iba? Bakit kaya?

"Noona, eat this." Nilagyan ng kimchi ni Jayshin 'yong plato ko.

"Don't eat that, eat this." Kinuha naman ni Jeydon 'yong nilagay ni Jayshin tapos nilagyan niya ang plato ko ng shrimp.

"Hyong, why did you do that?" Kinuha ni Jayshin 'yong nilagay ni Jeydon tapos naglagay na naman siya ng kimchi sa plato ko. Huhu, pakainin n'yo kaya muna ako?

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon