Chapter 33: Hunting Season

177K 5.3K 538
                                    

XYRA

Halos ilang linggo na naming minamanmanan ni Akira nang palihim si Mr. Williams. Noong una, wala kaming napapansing kakaiba kay Mr. Williams. Lagi namin siyang sinusundan. Susuko na sana kami pero nakumpirma rin namin ang hinala. Isang araw, nagmadali kaming sundan si Mr. Williams na paalis sa academy. Hinila namin si Bryan na nagtataka sa ikinikilos namin.

"Hey! Ano'ng ginagawa niyo?" takang tanong ni Bryan. Sumenyas ako na tumahimik siya at sumunod na lang. Sumunod si Bryan kahit nagtataka. Nagtaka kami nang pumunta si Mr. Williams sa bundok na nasa likod ng academy. Nagtatago kami sa mga puno habang sinusundan siya. Nagtaka rin si Bryan kung saan pupunta ang ama.

"Bakit siya pupunta sa North Mountain?" mahinang tanong ni Bryan.

"I told you, he's an impostor! Totoo talaga ang nakita ko!" biglang sabi ni Akira. Nagtatanong na mga mata ang ipinukol sa 'min ni Bryan. Nabatukan ko si Akira. Napahimas siya sa ulo habang nakasimangot.

"Wala pa kaya! Sundan muna natin siya. Hindi pa naman siya nagpapalit anyo," mahinang sambit ko. Lumipat kami sa ibang puno para sumunod kay Mr. Williams. Iniwasan naming gumawa ng ingay upang hindi ito makahalata.

"Ano'ng ibig sabihin ni Akira na impostor si Dad?" takang tanong ni Bryan.

"He's not your dad. She's a girl. The impostor is a beautiful girl," sambit ni Akira habang sinusundan ng tingin si Mr. Williams.

"I don't get it," naguguluhang sambit ni Bryan. Napailing ako. Hinila ko sila para magtago sa ibang puno. Nakakalayo na si Mr. Williams. Nakapasok na siya sa North Mountain. Hindi ko inaalis ang tingin kay Mr. Williams.

"She's transforming into your father. Nagpapanggap siyang si Mr. Williams. Impostor siya!" paliwanag ni Akira. Hinila ko uli sila para pumasok sa North Mountain.

"Cloning ang ability niya?" naguguluhang tanong ni Bryan. Tinanguan siya ni Akira. Napalingon kami kay Bryan nang matigilan siya. Bakas ang pagkagulat at pagkalito sa mukha ni Bryan. Tila may naalala siya bigla.

"She's Ericka. The girl who acquired the cloning ability. I thought she's already dead," nalilitong sambit ni Bryan. Nagkatinginan kami ni Akira. Napalingon ako sa direksiyon ni Mr. Williams kaya nataranta ako nang mapagtanto na malayo na siya sa 'min.

"Bilisan niyo!" sigaw ko. Nauna akong sumunod kay Mr. Williams. Umakyat na si Mr. Williams sa bundok. Kami naman ay nakatago sa mga halaman. Bago pa kami makarating sa kalagitnaan ng kabundukan ay nag-iba na ng anyo si Mr. Williams. Unti-unting humaba ang maikli niyang buhok, nagkahugis at lumiit ang pangangatawan. Unti-unti siyang naging babae. Nasa likod kami ni Mr. Williams at nagtatago. Nasa gitna ako nina Akira at Bryan habang nakaupo sa likod ng halamanan. Naghubad ng damit ang babae kaya nataranta ako. Tinakpan ko ang mga mata nina Bryan at Akira na parehong umangal.

"Baliw ba kayo? Bawal mamboso! Babae pa rin yan kahit impostor!" mahinang usal ko. Hindi sila umimik. Nagbihis ang babae ng skirt at blouse. May dala siyang ekstrang damit. Matapos magbihis, hinayaan kong makita nina Akira ang babae na nakatalikod sa 'min.

"Ano'ng gagawin natin? Nakumpirma na natin na impostor nga siya," mahinang sambit ko. Biglang tumayo at lumabas si Bryan sa halamanan na ikinagulat namin. "E-Ericka..." bulalas niya. Napahampas ako sa noo dahil sa ginawa ni Bryan. Gulat na lumingon kay Bryan ang babae. Maganda siya kahit bakas ang takot at pagkagulat sa mukha. Lumabas na rin kami ni Akira sa pinagtataguan.

"K-Kanina niyo pa ba ako s-sinusundan?" nauutal na tanong ni Ericka. Napaurong siya.

"What happened to you? I thought you're already dead?" hindi makapaniwalang tanong ni Bryan. Napakunot-noo ako sa dalawa. Humarap ako kay Akira at natatawang bumulong. "LQ ba sila?" Binatukan ako ni Akira.

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon