Hit 16~ Apple Candy

7.3K 66 5
                                    

Puting kisame.

Ito ang nakita ni Mia nang magising siya.

Oo. Alam niya na nasa cruise ship sila. Ang saya ngang isipin dahil sa wakas ay natupad na ang kanyang pangarap.

Pero teka...

Bigla siyang napabalikwas nang maramdaman niya na wala siyang suot na damit.

Tumingin siya sa kanan. Sa kaliwa. Muntik na siyang mapasigaw nang makita niya na nakahiga sa tabi niya si Yano na tulad niya ay wala rin saplot.

Agad niyang hilila ang kumot at ibinalot sa katawan niya. Kinuha niya rin ang mga damit niya na nagkalat at dali-daling pumasok sa banyo para magbihis.

A-Anong nangyari? Alalang-alala si Mia. Sinubukan niyang isipin ang mga naganap kagabi.

Sa natatandaan niya, nag-uusap lang sila ni Yano at kumakain ng apple candy.

Pagkatapos...

Pagkatapos...

Bigla siyang nahilo.

Napahawak siya sa kanyang mukha.

Hindi!

Mia, bakit mo ginawa iyon!

Pinagpapalo ni Mia ang kanyang ulo.

Pero wala naman itong magagawa.

Nagbihis na siya at lumabas sa silid na iyon.

Nagmadali talaga siya.

Sa pagmamadali ay mayroon siyang nabangga.

"Sorry! Hindi ko sinasadya!" natataranta niyang sabi.

"Ate!"

Si Nino lang pala ang nakabangga niya.

"Saan ka galing?" tanong ni Nino.

Bigla siyang kinabahan. Paano niya sasabihin kay Nino na buong gabi silang magkasama ni Yano?

"Doon ako natulog sa kuwarto ni President RJ. Magkakasama kami nina Yamapi. Ang dami nga naming napagkuwentuhan kaya late na rin kami nakatulog. Ikaw ate, kumusta ang tulog mo?"

Hindi pala bumalik sa kuwarto nila si Nino. Ibig sabihin ay hindi nito alam na hindi siya natulog doon.

"Hoy ate! Okey ka lang ba?" tanong ni Nino dahil parang natutulala si Mia.

"Ayos lang ako. Actually hahanapin dapat kita," pagdadahilan ni Mia.

"Ganoon ba."

"Mag-aalmusal na tayo?"

"Sige. Pero ate, hindi ka ba muna magpapalit ng damit? Iyan pa iyong suot mo kagabi, ah."

Oo nga pala. Iyong red dress pa rin na ipinahiram sa kanya ni Rina ang suot niya. Hawak pa rin niya iyong pahamak na handbag.

"Ah, ano... maliligo muna ako. Mauna ka nang kumain." Pagkasabi noon ay umalis na si Mia.

"Sandali ate!" tawag ni Nino.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Mia. Bakit siya tinawag ni Nino? Nahalata na ba nito? Alam na ba nito ang nangyari kagabi? Paano niya iyon ipapaliwanag?

"B-Bakit, Nino?"

"Mali kasi ang daan mo. Dito sa kaliwa ang papunta sa kuwarto natin."

Napangiti si Mia. Iyon lang pala ang sasabihin nito. Mabuti naman.

Hanggang sa paliligo ay hindi pa rin mawaglit sa isip ni Mia ang nangyari.

Napakabata niya pa para maranasan iyon. At sa taong hindi niya pa boyfriend.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon