Capitulo Tres

18.2K 409 20
                                    

TRES

[MAYAAAA!!!]

Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Jonas nang makita niya ang pagguho ng kweba. Kasamang natabunan ng mga bato si Maya.

Agad namang nakuha nina Tommy ang golden tiara bago pa man tuluyang gumuho ang kweba dahil sa pagsabog.

Panay ang tangis ni Jonas habang palabas sila ng baryo. Bigla silang sinalubong ng galit na galit na matandang lalakeng African.

[You disturbed Ezanas spirit! I know she will get her revenge on you people! A curse will follow you! A curse!]

Marami pang sinabi yung matanda pero di na nila maintindihan dahil sa sari-saring emosyong lumulukob sa kanila.

Kinabukasan, isang search and rescue ang isinagawa ng mga pulis sa kweba.

Natagpuang wala nang buhay ang katawan ni Maya. Pero ganun na lang ang pagtataka nila nang malamang wala doon ang bangkay ni Ezana!

Inuuwi agad nila ang bangkay ni Maya sa Pilipinas. Ganun na lang ang galit ng pamilya ni Maya sa kanilang apat dahil sila ang sinisi ng mga ito sa nangyari.

Makalipas lamang ang dalawang buwan ay binuksan na nila ang online bidding para sa Golden Tiara of Ezana. Isang linggo pa lamang ay umabot na sa sampung milyon ang highest bid at patuloy ang pagtaas.

Two months later, the bidding was closed. The Golden Tiara of Ezana was sold at two-hundred fifty million by Mr. Rodoro Madrigal. A rich antique collector.

Hindi man nila naabot ang expected price para sa golden tiara ay masaya na rin sila.

They divided the money sa kanilang apat equally. Medyo nakalimutan na rin nila ang nangyari kay Maya dahil sa pera.

After that ay naghiwa-hiwalay na sila to enjoy their own money.

Tommy went to Las Vegas to have a luxurious life habang sina Owen, Bella and Jonas stayed in the Philippines.

Nagtayo ng gym si Owen samantalang sina Bella at Jonas ay nag-share sa pagpapatayo ng spa.

Everything is fine...Ang di nila alam malapit na nilang maranasan ang pinaka nakakahindik na pangyayari sa kanilang buhay.

ITUTULOY...

RepleksiyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon