Wattpad Original
Mayroong 13 pang mga libreng parte

Chapter 1

2.6M 24.1K 5K
                                    

Hello, readers!
The story you are about to read has been selected for Wattpad's Paid Stories program. Thank you! ❤️

• • •

VANESSA

"AND WHO GAVE you the permission to leave this God damn house, Vanessa? Sino?!"

Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw sa 'kin ng asawa kong si Allen. Nangingilid na rin ang luha sa mga mata ko dahil sa higpit nang pagkakahawak niya sa mahaba kong buhok, at wala man lang akong magawa para pigilan siya.

Mas lalo nga lang namula sa galit ang mukha niya. "You didn't answer me, you bitch! Ang tinatanong ko ay sinong nagsabing pwede kang umalis? Sagot!"

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Wala akong pakialam kung ilang beses niya akong saktan o sigawan. But I can't stand him calling me a bitch. Masakit. Sobrang sakit. Because I am not one, God knows I'm not!

"Ano, hindi ka talaga sasagot?" Inipit niya na ang pisngi ko kaya naman kumawala ang malakas na hikbi na kanina ko pa pinipigilan. "Gusto mo pang nasasaktan ka?"

"I-I'm sorry. Nakipagkita lang naman ako kay Leila." Sinabi ko ang totoo pero parang hindi naman siya naniwala.

Pumikit siya nang madiin at bigla na lang akong pinatikim ng isang malakas na sampal. "Sinungaling!"

Sumubsob ako sa sahig!

Parang nabingi ako sa lakas ng sampal niya at tanging iyak at paghikbi ko na lang ang naririnig ko.

Namanhid ang kanang pisngi ko sa sakit, pero mas masakit pa rin ang katotohanang asawa niya ako pero nagagawa niya sa akin 'to.

Muli niyang hinila ang buhok ko at pilit akong itinayo. Napasigaw ako sa sakit! Parang matatanggal na ang mga buhok ko mula sa anit ko.

Hinawakan ko ang braso niya dahil pakiramdam ko babagsak ulit ako. My knees were getting weak. Parang hindi ko na yata kayang tanggapin ang mga susunod na pananakit niya.

"Ang sabihin mo, nakipagkita ka na naman sa lalaki mo!" sigaw niya mismo sa mukha ko. "Hindi ka ba talaga makukunteto sa 'kin, ha? Why do you keep seeing other guys? Am I not enough?"

"Wala na akong iba, Allen. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo 'yon?"

"Wala akong pakialam kung ilang beses mong sabihin, dahil hinding-hindi na ako maniniwala sa mga kasinungalingan mo!" Bigla niya akong binuhat at binato sa kama namin.

Hinila ko agad ang kumot at tinakpan ang sarili ko dahil alam ko na kung anong balak niya sa 'kin.

"Anong ginawa niyo kanina ng lalaki mo, ha?" In-unbuckle na niya ang belt ng slacks niya. "Did he fuck you? Is he better than me?"

Hinigpitan ko ang pagkakakapit ko sa kumot. Gusto kong sabihin sa kanyang 'not now please...not now'. Nanghihina na ang katawan ko at hindi ko na kaya.

Pero hindi pa rin naman ako nakalaban. Lalo na lang akong nataranta nang hilain niya ang paa ko at pilit na tinanggal ang kumot na nakabalot sa 'kin. "P-please, Allen, no!"

Mas lumakas ang iyak ko ngunit hindi talaga siya naawa. Pwersado niya pa akong pinatuwad sa paanan ng kama.

Tinaas niya ang palda ko at hinubad ang suot kong underwear. Nagpumiglas ako pero inipit niya lang ang mga kamay ko sa likuran ko at ginawa ang gusto niya sa 'kin.

Wala na akong ibang nagawa kung 'di ang umiyak na lang. Umiyak hanggang sa magsawa siya sa ginagawa niya. Asawa niya ako, pero kung tratuhin niya ako ay para niya akong parausan.

Sobrang sakit! Sana iniwan niya na lang talaga ako. Sana hiniwalayan niya na lang ako kung hindi niya rin pala ako kayang patawarin sa nagawa kong kasalanan.

Everything has changed since that day. My husband despised me even more now than he did before. He hates me so much. He only wants my body and a wild, filthy sex with me. And that breaks my heart.

• • •
AUTHOR'S NOTE:
Creating/distributing soft copies of this story is strictly prohibited. Please respect me and my work. Thank you!

A Wife's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon