Prologue

2.5K 16 9
                                    

Prologue

May nagmamahal na ba sayo?

Kung wala'y ako nalang

Lahat ibibigay sayo

Na walang alinlangan 

Napalingon ako sa kumakanta..

Andito ako ngayon sa park.. nakaupo, nakatunganga.. habang naghihintay..  (-_-)

nabo-bore na nga ako eh.. Nakikitsismis ako kanina sa dalawang babae sa harapan ko.. Ung isang babae.. mukhang maganda… sabi anniversary nila ng boyfriend nya.. pero hanggang ngayon hindi pa dumadating si boyfriend.  

Anyways.. napalingon nga ako sa kumakanta.. at bumuntong-hininga.

Haaayyy…

Asa pa na ako ang kinakantahan nyan…

hanep.. ang hirap talagang maging single…

sa bawat linalanggam na couple na nakikita ko dito sa park.. parang gusto ko ng mamatay sa inggit..

Lalo na ngayon.. may gwapong lalaki na nanghaharana sa magandang babae sa harapan ko, hindi ko maiwasan na maging bitter.

“Oh my gosh!! Mark, ano yang kinakanta mo?” sabi nung magandang babae.

“Jen! Nakakakilig naman kayo ng boyfriend mo!” sabi nung kasama nya na talagang halata na kinikilig

Nakangiti lang yung guy sa kanila.. tapos ung babae todo blush habang hinalikan sa pisngi ung guy..

hay ang cute nila tingnan.. :’>

 nakangiti pa ako ng biglang may nambatok sakin.

“HOY!”

“Ano ba?!” parang tigreng lalapa kung lumingon ako sa nambatok sakin.

Si Ken lang pala.

Si KEN?!?

“Oh anong itsura yan? para kang pusang gustong mangalmot ah?” sabi nya sabay tawa. Umupo siya sa gilid ko.

“kasi naman kung mambatok ka, parang gusto mo kong ingudngod sa lupa eh!”

“OA ka naman! halik lang naman ang gusto kong ibigay mo sa lupa.”

“Ahh! so gusto mo pa palang ang semento ang first kiss ko ganun?”

“haha joke lang! Peace tayo Lei! Bakit kasi parang high blood ka ngayon? meron ka ba? PMS?”

“Tse! PMS ka dyan! Nag-hintay lang naman ako ng dalawang oras para sa iba dyan! Usapan 8 am nandito na tayo sa park, pero anong oras na? 10 na oh!” sabi ko sabay turo sa relos ko.

“Haha! Sorry sorry! May nangyari kasi eh…” sabi nya habang kinakamot ung ulo.

“Oh ano na namang palusot yan? Siguraduhin mo lang na kapani-paniwala ha?” Dati kasi, ang dahilan nya ay wala daw battery ang alarm clock nya kasi kinuha pala ng kapatid niya ng hindi nya alam para may magamit ito sa laruan nito. As if naman makakaya yun ng 4 yr old younger brother nya.

“Hindi ako makalabas sa bahay eh. Madaming fans na nag-hihintay sa gate. Mahirap maka-puslit.” sabi nya sa nagmamayabang na tinig;

‘Hayy.. ang hangin naman dito..” sabi ko, kahit deep inside alam kong gwapo naman sya talaga. Sa suot nyang polo shirt at maong pants ngayon, nagmukha syang hot. Pero inalis ko na yun sa isip ko at bumalik na naman ang inis ko sa kanya.

“O sya sya. Tutal, hindi ka rin naman maniniwala sakin—“

“Talaga!”

“—kakantahan nalang kita, gusto mo? Para mawala init ng ulo mo? Kita mo nga yan may lalaking kumakanta, gusto mo gawin ko din?” Tinuro nya ung couple na naglalambingan ngayon. Hindi ko napansin na umalis na pala ung kasama nilang other girl kanina.

“Hindi, wag na lang. Baka bumagyo, sayang lang ang araw na to.” Tumayo ako para umalis na sa park.

“Sandali, Lei, hintay naman!”  tumayo siya tapos hinabol ako. “Sobra ka naman. Hindi mo pa nga naririnig ang boses ko, nag-conclude ka na agad.”

Binilisan ko lang paglakad ko.

“hay ano ba talaga gusto mong gawin ko para lang lumamig ang ulo mo? Lumuhod dito?”

Sabi nya habang naglalakad kasabay ko.

“oo! tapos pagsigawan mo na nag-sosorry ka na!” sarcastic na sabi ko.

Naglalakad  na ako papunta sa field ng mapansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid.

‘Wow! Tingnan mo yung guy oh! Ang gwapo-gwapo nya! kaso, bakit nakaluhod?” sabi nung girl sa kasama nyang barkada.

“Oo nga, pero ang cool nya tingnan diba?” sabi ng isa pa.

Hindi na ako makatiis. Lumingon ako para makita kung sino yung tinutukoy nila.

o_o

o_O

O_o

O_O

Ken?!?

Si Ken, nakaluhod sa gitna ng madaming tao?

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa kanya.

“Ken, ano ba yang ginagawa mo? tayo ka na, bilis! Tingnan mo oh, pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito.” Hinahatak ko sya, pero langya. ayaw magpahatak!

“Lei…. I’m so sorry.. sana mapatawad mo na ko…” sabi nya ng malakas. Grabe, ang drama ah! “patawarin mo na ako oh.. gagawin ko ang lahat mapatunayan lang na sincere ako.. Gusto mo lumuhod ako? Fine! Kung ito ang paraan para lang pansinin mo ako.. gagawin ko!”

nagbubulungan na ang mga tao sa paligid. Shucks! ano ba tong pinaggagawa ni Ken?

“Miss, patawarin mo na yung tao! Kita mo naman na sincere and apology niya eh…” sigaw nung isang usisero.

“oo nga! hindi ka ba naawa dun sa tao?”

“Miss, bati na kayo ng boyfriend mo. Wag na kayong mag-LQ!”

“Kung alam nyo lang, hindi ko boyfriend yan!” bulong ko. Pero syempre hindi ko na sinabi yon sa iba. Magiging komplikado lang.

Napa-buntong-hininga na lang ako. Ayos tong si Ken ah. Alam niyang ayaw na ayaw ko ang pagtinginan ng mga tao.

“Ok ok! Bati na tayo!” Alam kong namumula na ang mukha ko.

“Yess yes!” tumayo si Ken at yinakap ako “Thank you Lei!”

Nagpalakpakan ang mga tao tapos bumalik na sa mga pinaggagawa nila. Ayos to ah. Parang nakalibre sila ng isag palabas kung maka-asta. May iba pa ngang nag-congratulate samin.

“Congrats lovers!”

“Ang cute nyong dalawa!”

“hey boy! kung ayaw na ng girlfriend mo sakin, tawagan mo na lang ako ha!”

Hinatak ko na si Ken palayo sa mga tao.

“Hay naku Ken.. ano na naman ba yung pinaggagawa mo kanina?”

“Ayaw mo ba? Ang drama nating tingnan diba?” sabi nya habang tumatawa.

tumahimik na lang ako. Parang ayaw ko ng patulan ang trip nya.

“Ui Lei, ginagawa ko talaga yun kasi talagang gusto kong mag-sorry sayo… saka…” sabi nya sa seryosong tinig.

Hinintay ko ung susunod nyang sasabihin kaso ang tagal. Kaya lumingon uli ako sa kanya. Parang importante ang sasabihin nya eh.

“… saka para dumami fans ko.” sabi nya habang nakangiti pa.

Sarap talagang kutusan tong best friend ko na ito eh. Tama. Best friend ko ang gwapong makulit at nakakainis na playboy na ito.

My Best Friend is a Playboy *on hiatus*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon