Tumblr Love-Story. [Oneshot]

96.7K 1.8K 259
                                    

TUMBLR LOVE STORY.

Pagpasensyahan. Dahil wala ako magawa e. :) HAHA. Wag kayo kikiligin. LOL.

“Ano naman kayang ipopost ko?” Sabi ko sa sarili ko habang kumakain ng cupcake. Ganito buhay ko e. Tumblr, Kain, Tumblr ulit.


Ewan ko, naattach na ako sa ganitong gawain e. Kasi, sa Tumblr, tanggap ka ng lahat. As in, kahit man anong ipost mo, maiintindihan ka nila. Hindi katulad sa school. Puro drama. Tss. Naalala ko na naman tuloy yung nangyari kanina.

Clinick ko yung Text Post, tapos tinype ko na yung nangyari sa akin kanina sa school.

Grabe, nakakapagod talaga ngayon. Alam niyo yun? Napahiya ako kanina. Nalaman kasi ng crush ko since 1st year na, ayun, crush ko siya. Paano niya ba nalaman? Pinagkalat kasi nung kaibigan ko. Magkaaway kasi kami. Pero, bakit siya ganun, diba? At ang mas masakit, dati, close kami ng crush ko, ngayon, akala mo di niya ako kilala. Tinry ko siyang kausapin, pero wala e. Wala. Di niya ako pinapansin. BV LANG.

Yung mga tumblr friends ko, sabi sakin, okay lang yan. Maghanap ka na lang ng iba. Pero may biglang nag-anon sa akin…

ANON:

Alam mo, malay mo, may reason pala kung bakit ka niya hindi pinapansin, siguro, natatakot lang pala siya na aminin sa sarili niya na crush ka rin niya. Intindihin mo na lang.

Di ko na nareplyan kasi nga, alam mo na, ayaw na ng nanay ko na mababad ako sa tumblr. Hehe. Kaya nag-log-out na ako.

Bukas, pagpasok ko, andaming nagtanong sakin kung okay lang ba ako. Sabi ko, okay lang. Tapos nung uwian na, bigla akong nagulat nung naghihintay sa akin si Crush. Syempre namula ako. Hehe. Kikiligin ba, pero naalala ko yung pandededma niya sakin kahapon. Kaya nainis ako.

“Anong kailangan mo?”

“Wala.” Sabi niya. E abnoy rin 'to e. =_=

“Sige aalis na ako.” Malapit na ako sa gate papalabas ng school nung bigla siyang sumigaw…

“AKO YUNG NAG-ANON SAYO KAGABI HA?” Napalingon ako sa kanya pero papunta na siya sa mga kaibigan niya. Pero nakasmile siya. Napangiti na tuloy ako.


THE END.

One-Shot Stories: A CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon