Chapter 2

368K 5.6K 1.2K
                                    

Chapter 2

“What are we doing here?” Nakanganga at namimilog ang mga mata ni marnie na tanong sa akin pero ang mga mata niya hindi na halos maalis sa dalawang tao na busy sa paghahalikan sa likod ng building ng kindergarten. 

I smiled at her. 

“Look at how good he is.” Sabi ko pa. 

“Good?” Nawawala na ata sa sarili itong si Marnie dahil sa nakikita niya. 

“Jayson. Ang galing niyang humalik di ba? Tingnan mo, nagpapanic na ang amygdala ni Ivory.” Dahil hindi na alam ng kahalikan ni Jayson kung ano ang gagawin. Kung mangungunyapit ba dito, uungol, hahalikan si jayson o all of the above. At mukha namang magaling sa multi tasking itong si Ivory because she was able to do it simultaneously. 

“Roselyn! What are we doing here? Bakit natin sila pinapannod?” Tanong pa din ni Marnie. Halatang nagpapanic na talaga siya pero hindi niya magawang lakasan ang boses niya kasi maiistorbo ang dalawa. 

“Gusto kong ipakita sa’yo kung gaano siya kagaling. And Laarnie agreed that he is good.” This time napatingin na si marnie sa akin na nanlalaki ang mga mata. 

“Laarnie saw them already. You mean they are always doing it here?” Grabe na talaga ang pagkalaki ng mata ni marnie. 

“Not they. Just Jayson  and another girl and not here sa likod naman ng auditorium.” Pasimple kong sagot. 

“Oh my God Roselyn. Are you stalking him? Ganun na kalala ang obsession mo sa  palyboy na yan?” Ngumiti na lang ako at tiningnan ulit ang dalawa  and Ivory is now squeezing Jayson’s butt! Damn it! Not the butt! Shit!

Agad akong lumabas sa tinataguan namin. 

“Roselyn! Roselyn, saan ka pupunta? Roselyn!” Marnie hissed at me pero hindi ko siya pinansin. 

Nakalapit na ako’t lahat, hindi pa din pansin ng dalawa. 

“Ahhh..Jayson.” Nanayo ang balahibo ko sa sinabi ni Ivory. 

“Excuse me!  Makikiupo sa tambayan ko ha!” baliwalang sabi ko at naupo  ako sa swing sa tabi ng wall kung saan sila naghahalikan. 

“Ahhhh!” Naging tili ang ungol ni Ivory. Bigla silang naghiwalay. Nakita ko pang bukas ang butones ng blouse ni Ivory ganun din ang polo ni Jayson pero hindi ko na pinansin. Pulang pula din ang mukha nilang dalawa. 

Nakatingin silang dalawa sa akin. Tiningnan ko din sila.

“Ivory, Kanina ka pa ata hinahanap ni Cedric. Sinabi kong baka andito ka.” Balewalang sabi ko at nakita kong namutla si Ivory. 

“What!!” Nagmamadaling inayos niya ang blouse niya apti ang buhok niya despite her pamumutla. Sino ba naman ang hindi mamumutla kapag nasabihan kang papunta ang bf mo sa lugar kung saan ka nagmemake out sa ibang lalaki.  Dali dali naman itong umalis na hindi nagpapaalam. Napangiti ako ng lihim. 

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon