Twenty Seven:

17.6K 277 64
                                    

Third Person's POV~

Silence covered the whole bus. Tila lahat sila may kanya-kanyang mundo. Naglalaro lamang sila Ara, Pauline at Chloe ng kani-kanilang cellphone, si Tricia naman ay busy sa pagtingin at pagkilatis sa mga armas na nasa loob ng bus. Ang apat na lalaki, sila Kyo, Kiel, Kyle at Jake ay natutulog. Tahimik din namang kumakain sila Queen at King ng bagong biling ice cream.

BANG! BANG! BANG!

Napabalikwas ng bangon ang apat at gulat namang napalingon ang mga babae sa cellphone ni Queen ng magring iyon. Bukod sa lakas ng tunog ng cellphone ay ang klase din ng ringtone nito ang nakapagpagulat sa kanila. Paano ba naman kasi, tunog ng sunod sunod na putok ng baril ang ringtone nito. 

Napangisi naman si Queen sa nakitang reaksiyon ng mga ito. Samantalang si King ay nagpipigil ng tawa.

"Wat da pak? Akala ko tinambangan na tayo, eh." nagkakamot ng ulong bulalas ni Kyo.

"Shit! Akala ko mababawasan na ang gwapong lahi ko" mayabang na komento naman ni Kyle.

"My God, Queen! Natakot ako dun" kunwaring huminga pa ng malalm na sigaw ni Ara.

"AISH! Buti nalang cellphone mo lang pala 'yun. Muntik ko ng ipaputok 'to oh" nakanguso pang sabi ni Tricia habang hawak hawak ang dalawang baril sa magkabilang kamay.

"TSS" tanging sagot ni Queen sa kanila. 

"Sagutin mo na nga 'yan! Ang ingay, eh" inis na sabi ni Pauline habang itinuturo ang cellphone niya na nakaibabaw sa lamesa.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Queen dahil sa sinabi at tono ng boses nito. Napalunok siya dahil sa sama ng tingin ng dalaga at pilit ang ngiting itinugon niya.

Hinablot ni Queen ang cellphone at tinignan kung sino ang tumawag. Kumunot ang noo niya at napasinghal pa ng mahina ng mapagtanto kung sino yun.

Si NATHAN.... na naman.

"Hello?" malamyos na bati ng kabilang linya ang bumungad kay Nathan. Napangiti siya ng dahil dun.

"Aphrodite. Malapit na ako sa school. Punta ka na ng parking, ha." malambing din na sagot nito.

"Sige. Ingat ka" pagsang ayon naman ni Queen sa kanya at ibinaba na ang linya. 

Inis namang tinanggal ni Nathan ang cellphone sa pagkakadikit nito sa tenga niya at bahagya pang tinignan habang nakakunot ang noo. 

Binabaan siya ng telepono ng dalaga. Hindi pa sila tapos mag usap pero ibinaba na nito. HA! Sinong di maiinis dun?

Nakakunot noong pinagpatuloy na lang niya ang pagda drive.

*** **** **** ****

"What the f---" hindi na natapos ni Queen ang sasabihin ng bigla na lamang tinakpan ni King ang bunganga niya ang gamit ang palad nito.

"Dont curse." malamig na sambit nito.

Hinawi naman ni Queen ang palad ng binata mula sa bibig niya at inis na tinanong ito.

"Why did you do that?" she asked habang nakaturo sa cellphone niya na hawak hawak ni King.

"Did what?" kunwaring inosente pang tanong ng lalaki.

"That." she answered. Still, pointing on her phone. 

"This?" nang aasar na sambit ni King habang winawagayway ang cellphone ni Queen malapit sa mukha ng dalaga.

"Tss. YEAH!" inis na sagot ng dalaga at hinablot ang cellphone niya sa kamay ni King. Sinamaan niya ng tingin ang binata ng nagtaka itong kunin ang cellphone ulit. 

The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon