Epilogue:

358K 8.3K 2.1K
                                    

Epilogue



Naggising si Muriel sa maingay na cellphone ni Riley. Akala pa niya ay sinagot na iyon ng asawa. Pero paglingon niya ay nahihimbing pa rin ito sa pagtulog.

"Rai..." Inalog niya ito sa balikat. "Yung cellphone mo!"

"Hmmm..." Bumaling lang ito paharap sa kanya at nananatiling nakapikit.

"Rai.." Tinapik-tapik pa niya ang asawa sa pinsgi. Wala pa rin kasing tigil sa pagtunog ang cellphone nito. Kung hindi nga lang malayo iyon sa kanya ay siya na sana ang sumagot ng tawag. Kaya lang nakapatong iyon sa kabilang bedside malapit kay Riley. "Rai, ano ba? Sagutin mo na yung phone mo!" Ngunit hindi pa rin ito magising-gising at naiinis na siya. Nasira ang masarap niyang pagtulog dahil sa tawag na iyon.

Isang malakas na tapik sa pisngi ang ibinigay niya rito. Actually, para na ring sampal iyon. At mukhang umepekto naman. Dahil nagising din ito sa wakas.

"Baby Girl naman! Bakit ka ba nanampal?" Napakamot na lang ito ng ulo.

"Kanina pa tumutunog ang phone mo. Sagutin mo na!"

Tila doon lamang nito napansin ang maingay nitong phone. Sa wakas ay dinampot din nito iyon at sinagot.

"Jared? Takte naman! Alam mo ba kung anong oras na?"

Napabangon si Muriel nang marinig niya ang pangalan ni Jared.

"O sige, bababa na ako." At ini-off ni Riley ang cellphone.

"Bakit daw?" Tanong niya.

Bumaba ng kama ang asawa bago ito sumagot. "Nasa ibaba si Jared. Mukhang may malaking problema ang loko."

Pati siya ay napababa ng kama.

"Saan ka pupunta?"

"Gusto kong makita si Jared."

"Dito ka na lang at matulog ulit. Gabi na. Bawal sayo ang magpuyat." Pigil nito sa kanya.

"Sandali lang ako. Gusto ko lang siyang makita. Please..."

"Fine!" Napipilitang sang-ayon ni Riley. "Pero sandali lang."

Tumango-tango lang siya na parang maamong tupa.



"What brought you here at this late of night?"

Napatingala si Jared sa babaeng nagsalita mula itaas. Nasa tabi nito ang asawa na umaalalay rito sa pagbaba ng hagdaan. Awtomatikong napangiti siya. Damned! He missed her so much. Ilang buwan din niya hindi ito nakita. At sa ilang buwan na iyon ay ang laki ng pinagbago nito, lalo na sa physical apperance. Para sa kanya ay lalo pang gumanda si Muriel sa paningin niya. Her pregnancy became her. He doesn't even care kahit magmukha pa itong lumba-lumba dahil sa laki ng tiyan nito.

"Bakit gising ka pa? Di ba bawal sa buntis ang nagpupuyat?" Sinalubong niya ito sa entrada ng hagdan.

"Minsan lang naman eh!" Katwiran nito. At binigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi.

"Suko na ako sa katigasan ng ulo ng babaing ito! Gusto ko na ngang ipamigay." Sabat ni Riley na bigla na lang napasinghap ng kurutin ito ni Muriel sa tagiliran. "Joke lang! Hindi ka naman mabiro!" At maingat itong niyakap.

Nakasimangot na inirapan ni Muriel ang asawa. "Kung ikaw kaya ang ipamigay ko?"

At bago pa magkapikunan ang mag-asawa ay itinaas niya ang hawak na supot sa magkabilang kamay. "Nag-take-out ako ng pagkain. Kumain muna tayo!"

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon