Hit 12~ Love Story of Cashmere

7.9K 75 4
                                    

Lunes hanggang Biyernes isang oras naglalakad si Nino mula Village I hanggang Village III. Mas mabilis sana kung magta-taxi o bus siya ang kaso may kamahalan ang pamasahe kaya naglalakad na lang siya. Iyon ay para puntahan si Yano sa bahay nito.

Pagdating ni Nino sa Matsumoto Residence, hihintayin niya ang paglabas ng kotse ni Yano mula sa gate. Parating eksaktong six fifteen ng umaga ito kung lumabas.

Hihinto ang kotse, then sasakay na si Nino.

Hindi pa man siya nakakapuwesto ng upo, ibabato na ni Yano ang bag at mga libro nito sa kanya.

Siyempre wala nang magagawa si Nino kundi ang kunin ang mga iyon. Dala-dala niya iyon hanggang sa makarating sila sa school.

May pahinga naman si Nino tuwing Sabado at Linggo. Huwag lang susumpungin si Yano dahil minsan ay tinatawagan siya nito para lang pabilihin ng pagkain ng aso.

Mabuti na lang dahil malapit na ang Twelve Group Competition.

Bibigyan ang lahat ng grupo ng tatlong araw na bakasyon para maghanda. Bahala na sila kung saang lugar sila mag-eensayo.

Akala ni Nino makakapagpahinga na siya ng tatlong araw dahil magsasanay nga ang grupo ni Yano. Hindi niya akalain na pasasamahin siya sa training.

Ibig sabihin ay wala pa rin siyang pahinga.

Ang napili ng grupo ni Yano na pag-ensayuhan ay ang Matsumoto Campsite. Nasa loob lang iyon ng Tama kaya malapit lang.

May kaniya kaniyang specialty ang bawat miyembro ni Yano kaya naging kaniya kaniya rin ang training nila.

Si Nino mismo ang nakakita kung gaano kaseryoso ang bawat isa. Masasabing bahagi talaga ng buhay nila ang mga napiling martial arts.

Yano-Kyudo

Jin - Judo

Ivan -Karate

Rina-Aikido

Yamapi-kendo

"Teka lang, bakit may mga musical instruments dito?" tanong ni Nino matapos makakita ng marami nito sa loob ng isang silid.

Kasama niya sa silid na ito sina Chen Yin at Monique. Wala kasi silang magawa kaya naisip nila na mamasyal.

Sinagot ni Chen Yin ang tanong ni Nino. "Sa last day ng Twelve Groups Competition required ang mga participants na mag-perform sa stage. Hindi mo ba alam iyon?" tanong ni Chen Yin bago ito kumuha ng drum stick.

Napanguso si Nino. "Anong ibig mong sabihin na magpe-perform?"

"Bahagi iyon ng competition. Bukod sa limang Japanese martial arts, kailangan din magpakita ng ng talent sa music ang bawat grupo," paliwanag ni Monique.

Naguluhan si Nino. Bakit ganoon? Dati siyang secretary sa student council pero hindi niya alam ang tungkol doon. Hindi niya nabasa sa student hand book.

"Ang boss mismo ang nag-isip ng ideyang ito kaya kahit maraming tutol, wala na silang nagawa. Naalala ko last year iyong nanalong team ay sumayaw in the tune of Monster ng Arashi, hindi mo ba napanood iyon?" mahabang litanya ni Monique.

Siymepre hindi iyon napanood ni Nino. Kailan lang ba sila dumating sa Tama? Pero kung obligadong mag-perform ang mga kalahok, ibig sabihin hindi lang pala martial arts ang dapat nilang paghandaan.

"Actually magandang ideya 'to,'" sabi ni Chen Yin. "Hindi lang kasi sa larangan ng palakasan makapagpapakitang gilas ang mga participants, maipapamalas din nila ang galing nila in terms of music."

"Pero marunong ba silang kumanta o sumayaw? Sina boss, marunong ba sila?" curious si Nino.

"Marunong mag-guitar si Ivan," sabi ni Monique. "Si Jin naman may alam sa keyboard, si Yano sa drums at si Rina magaling siyang kumanta."

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon