Chapter 25 (under construction)

19.4K 203 39
                                    

Angelie's POV

"Please, please I'm begging..." puppy eyes and pouty lips...



"Ok fine!"



"Gotcha!"



Hayy salamat napa oo ko rin si mother!!! Makakabalik na 'ko sa wakas... hmmm pang isang linggong budget na lang meron ako kaya kinailangan ko na talagang kulitin si mother reyna.



"Thank you mother I love you na talaga....."



"Duh! Teka nga sigurado ka bang wala ka nang trabaho? Parang ang rinig ko yata kay Tanya eh hinahanap ka pa sa pinagtatrabahuhan mo.."



"Ahhh ehhh." Teka wala na nga ba akong trabaho dun??



"Nagpasa ka ba ng resignation letter sa Ramirez-group-of-companies?"



Naku patay..... "Hindi po..." mahinang sagot ko..



"Sinesante ka?"



"Ui hindi po no."



"Edi kung ganon.... may trabaho ka pa?"



"Ummmm meron pa po pero ayoko na dun wala po akong mapapala dun no."



"Ahhh basta mamaya sumabit pa 'ko diyan no.. magfile ka muna ng resignation letter sa dati mong pinagtatrabahuhan tsaka tayo mag usap ulit."



I nodded. "Sige po." Huminga ako ng malalim at umalis na..



Pahamak kang Tanya ka!!!!! Grrrrr okay na sana ehhh yung dila mo puputulin ko talaga!! Nako grrrrr.. if I know pinlano mo na naman to tsk tsk tsk scheme girl ano kayang motibo ng bruhang yun?? Hayyy ewan naku naman namomroblema nako..



Aapak na naman ako sa ari-arian ng Stanly na yun... hindi ko na inexpect na babalik pa 'ko dun at haharapin siya. Ano ba 'to??? Hindi ko lubusang akalaing magkikita pa kami.. ayoko na gusto ko nang makalimot baka 'pag nakita ko na naman siya masapak ko lang siya.



Ahhhh Angelie anong gagawin mo???? Kailangan mo 'tong gawin... ito lang ang tanging paraan para magkapera ka, remember wala ka nang kakainin sa mga susunod na araw. Ano ba naman kasing naisipan ko eh hahanap-hanap ako ng trabaho, may trabaho pa nga pala ako, pero pwede naman yun ah... yung ibang tao nga tatlo-tatlo trabaho eh.. mother talaga eh ang arte.. hayy diyos ko po.



Nasa harapan na 'ko ng kumpanya ng Stanly na yun para magpasa ng resignation letter. Sigh just focus Angelie, you can do this. After this hinding hindi mo na siya makikita.



Naglakad ako ng dahan-dahan at bawat hakbang ko sa hagdanan nasusunog ang kaluluwa ko, tinatadtad ang puso ko, para akong sinasabuyan ng asido, napakahapdi, parang nilalaslas ang mga kamay ko at... teka ano 'to sapi?? Hayy nako Angelie nag iimbento ka na naman ng mga kabaliwan mo hayyyy bilisan mo na nga lang ng matapos na 'to...



Dumeretso na 'ko agad sa office niya, kinakabahan ako di ko alam kung ano ang mararamdaman ko pag nakita ko siya. Mami-miss ko ba siya o mabubwisit lang ako? Nanlaki ang mga magaganda niyang mata ng makita niya ko.



"Anj?"



"Nandito ako para ibiga..."



Di pa 'ko tapos sa sinasabi ko ng bigla siyang lumapit at niyakap ako.
Niyakap niya 'ko ng mahigpit na mahigpit, naamoy ko na naman siya, napakabango niya talaga. Namiss ko siya ng sobra. Napapikit ako at dinama ko ang init ng katawan niya, ang sarap sa pakiramdam bakit ganito? Dapat galit ako sa kanya?? Niyakap ko din siya habang nakapikit, ako na ata ang pinaka masayang babae sa mundo..



Mysterious SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon