[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.

478K 3.6K 854
                                    

Chapter 18

Hope's POV

Ito na naman ang oras ng taon kung saan lahat ng sporty na estudyante ay masaya at lahat kaming lampa ay nganga. 

GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS. 

Intrams. Inis na inis ako sa word na yan! Hindi kasi ako sporty! Oo lampa ako! Hello? Suki nga ako ng clinic hindi ba? 

"KALOKAAAA INTRAMS NA! I love it!"

Kung may sporty sa Tres Chikas eh si Miks at Chelsea na yun. Si Miks magaling sa basketball at football, si Chelsea magaling sa volleyball at sa chess. Sila nga ang pambato ng Section F panglaban sa Section A. 

Speaking of Section A, si Mico bawal maglaro ng football, si Bryle bawal maglaro ng basketball at si Enzo bawal sa chess kaya nagpapalit palit sila. 

Nandito kami ngayon sa field. Naglalaban laban na bawat section sa iba't ibang games. Kapag ganito ang mahigpit na magkalaban ay Section A at F. Sa Section A kasi kokonti lang ang sporty, sa section F naman puro sporty. Pero kahit ganun, malakas pa rin ang section A kaya sila ang mahigpit na kalaban namin. 

Lumipas ang ilang araw ng paglalaro at paglalaban at..

"Majinet jackson! Ang akietchiwang fezibels nahuhurtina aguilera!" reklamo ni Miks! Sabi niya mainit daw at nasasaktan ang kanyang mukha! 

Sila na kasi ang next sa lalaban sa basketball. Kalaban nila ang Section B. Kapag natalo nila ang Section B lalaban na sila sa championship laban sa Section A. 

"Hoy Miks, galingan mo ah? Star player ka ng Section F." sabi ni Chelsea.

"Alam mo yan! Siyempre, kailangan kong makalaban ang Section A para machansingan si Papa Mico." 

"Ew ka Miks! Yun lang pala goal mo." sabi ko.

"Eh ikaw? Anong plano mo? Mamigay na lang ng tubig? Yun na talaga ang ambag mo sa section natin?"

"Oy grabe ka! Sumali naman ako sa sack race ah!"

Oo sumali ako at nanalo ako sa 1st round, kasalanan na ni Ericka kung bakit na-out kami. 

"Oo nga kasali ka kaso laglag naman agad tayo." 

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon