IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 9 - Pt. 8

"Sa.. Salamat po Lord sa.. sa.. lahat ng.. bi-yaya na.. aming tanggap mula sa Inyo po.. Kami po ay hingi ng.. tawad.. sa lahat ng gawa naming mali.. Muli po, kami po ay.. nag.. papa.. salamat sa Inyo po lalo na sa araw na bigay nyo ngayon sa amin.. at sa pagkaing.. nasa mesa at.. harap namin"  - Gosu.

Charice POV.

"Salamat po" - dagdag nya sabay tingin sa'kin.

"Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espirito Santo," - sabi ko naman.

"Amen." - Kaming talto.

Inaayos ko na yung mga kutsara't tinidor ko pero pansin kong nakatingin pa rin s'ya sa'kin.

"Bakit?" - tanong ko sa kanya.

"Uhh.."

"Waypi! Yaw ku ulam!" - Hee.

"Anong ayaw? Biyaya yan ng Diyos" - Ako.

"Pero di aku kain n'yan! Mommy ko kain yan pero Daddy ku, kain omelette kesa d'yan!" - Hee.

"Eh Mommy mo pala eh kain, so dapat kaw rin. Alam mo bang bawat kinakain natin ngayon ay bunga ng kasipagan at paghihirap ng mga taong ang hanap buhay ay magtanim para may kainin tayo?" - Ako.

"Peru!" - Hee.

"Tingnan mo oh" - sabi ko sabay kuha dun sa itlog na pula't binuksan ito at hinati sa gitna.

Nanunuod lang naman si Hee sa'kin habang kinakain ko yung itlog ng may poise (dahan-dahan) at saka sumubo ng kanin.

"Chalap, waypi??" - Hee.

Nag thumbs up lang ako sa kanya dahil may laman ng kanin yung bibig ko. Kinuha ko yung itlog na pula nya at saka binuksan ito sa harap nya at hinati-hati sa malilit na piraso.

"Eat" - sabi ko sa kanya matapos ko yung gawin.

"Subu" - Hee.

"Mga baby lang nagpapasubo.. Hindi ka na baby. Bata ka na.. pero di ka baby" - Ako.

"Pero aku, subu Mommy" - Hee.

"Pero tuwa sa'yo Mommy mo kung kaya mo kain mag-isa" - Ako.

"Peru di ako alam!" - Hee.

Kinuha ko yung tinidor at kutsara't at ibinigay sa kanya at tinuruan ko s'ya. Mabilis naman syang natuto. Sumubo agad s'ya pero pagkatapos nyang lunukin ay iniluwa nya ito sa may mesa.

"Ba't mo niluwa?" - Ako.

"Pangit! Pangit lasa, waypi!" - Hee sabay kuha ng baso at uminom.

"Dapat gumamit ka ng tissue kapag luluwa ka at ibalot mo dun" - Ako sabay kuha ng tissue sabay taklob dun sa niluwaan nya.