Ch. 9 - Pt. 8 - Parenthood Pt. 8

Magsimula sa umpisa
                                    

"Isa pa ha" - Ako sabay kuha sa kutsara nya at pinalipad ko sa ere para i-eroplano kunwari.

"Ayaw ku!" - Hee.

Napatingin ako kay Gosu na kasalukuyang nanunuod lang sa'min.

"May balak kang tumulong?" - tanong ko na iniiwasang tumaas ang isang kilay.

"Uh, magpapahangin muna ako sa labas. Mabilis lang naman ha" - Gosu sabay tayo at lumabas sa restaurant.

Seriously?! =__=

Patuloy naman ako sa paglelecture(?) kay Hee tungkol sa mga ganyan ganito hanggang sa ang nakain lang nya ay yung isdang inihaw at tatlong subo lang at ngayon ay nilalaro nya yung kamatis.

"Bawal ang paglalaro ng pagkain" - Ako.

"Bakit, waypi?" - Hee sabay lagay nung dalwang kamatis sa bowl ulit.

"Kailangan nating respetuhin ang mga biyaya ng Diyos.." - Ako.

Umupo na lang sya ng ayos sa silya hanggang sa makita ko na lang na bumalik na pala si Gosu sa loob.

"Uh.. hi.. wifey.." - Gosu.

Uhm, nge? Anong problema nito? XD Ngumiti na lang ako ng konti sabay inom ng Iced tea. Pagtingin ko naman sa kanya, nakaupo na sya at nakatitig lang sa may plato nya.

"Masarap yan.." - Ako.

Nawala yung focus niya dun sa plato dahil napatingin siya sa'kin.

"Talaga?" - Gosu.

"Yep" - Ako at sumubo ng talong (ayoko ng bagoong eh)

"Pero.. pait kasi" - Gosu sabay kuha nung itlog na pula.

"Di pa luto" - dagdag nya sabay amoy dun sa itlog.

Kinuha ko yun at binuksan sa harap nya.

"O!" - Ako.

Nawindang s'ya at na-istatwa ata. Shet, ano ba tong ginagawa ko ngayon?? Pero, sige, ituloy ko na.. tutal nangyari na eh.

"Ayaw mo?!" - inis kong sabi sa kanya habang nakatutok yung tinidor na may itlog na pula malapit sa may bibig nya.

Nakatitig sya sa'kin habang dahan-dahang lumalapit dun sa may tinidor at kinain ito. Dahan-dahan nya yung ninguya na para bang hinihintay nya yung lasa at mmamaya pa'y nilunok na nya.

Tiningnan ko s'ya habang patuloy sya sa pag-nguya (kahit nalunok na nya). Napatingin naman s'ya sa'kin sabay kuha ng kutsara't sumubo ulit ng itlog na pula na may kanin. Mukhang nagustuhan?

- - -

Layzzah's POV.

(Book 1) He's Dating the Ice Princess (UNPUBLISHED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon