Previous Page of 3Next Page

Different sides of love

spinner.gif

<<== FB/GOOGLE LIKE, VOTE and TWEET pls!


DIFFERENT SIDES OF LOVE CHAPTER 2: Hopes

Tuwang-tuwa si Audrey nang matapos niyang lagyan ng maraming kaekekan ang graham na ginawa niya para ibigay kay William. Nilagyan niya iyon ng icing na may nakasulat na 'pls smile Kuya William' at may smiley pa at heart sa gitna.

 

Di pa iyon natitikman ni William dahil nga sa bihira itong sumabay sa kanila sa pagkain at madalas lang mgapahatid ng food sa mga katulong sa kwarto nito.

 

Totoong di sya pinapansin ni William at di rin sya nginingitian at kinakausap kahit na kailan ng kapatid pero atleast ay di din sya nito sinisigawan at pinapahiya katulad ng ginagawa ni Ivan sa knya.

 

Kumatok sya. Walang sumagot.

 

Pumasok na lang sya at nagulat nang makitang hirap na hirap si William na maitayo ang wheelchair nito dahil nahulog ito sa pagkakaupo. Agad syang lumapit at tinulungan ito.

 

"Kuya William! Ayos ka lang ba?" nag-alalang tanong niya matapos niyang maiayos ang pagkakaupo nto.

 

Tinitigan lang sya nito ng masama. Saka na nito ipinagpatuloy ang pinipinta nto. Namangha sya nang mkta ang paint nto. Napakaganda niyon at para talagang isa na itong proffesional painter sa ganda niyon.

 

"Kuya! Ang ganda naman nito! Bakit di mo subukang magsubmit ng mga paint mo sa mga museum?" nakangiting suggestion niya at tinabig naman nito ang kamay niyang may hawak sa isa sa mga paint nito.

"Kung nagpunta ka dito para mang-istorbo lumayas ka na lang! Ang ingay-ingay mo!” iritableng sabi nito na ikinagulat niya dahil iyon lang ang unang beses na kinausap siya nto.

 

Bakas ang pagtataka sa mukha nito nang ngumiti pa sya imbes na matakot sa paninigaw nito.

 

"Ngayon ko lang narinig na nagsalita ka kuya! Ang saya-saya ko dahil kinausap mo na din ako!" Tuwang-tuwang sabi nya.

 

Umiwas naman ito ng tingin at ipinagpatuloy na lang ulit ang ginagawa nito.

 

"Kuya, sa totoo lang magaling ka naman talagang magpaint eh pero kailangan mo pa din namang kumain at magpahinga para mas mapaganda mo pa sya. Eto o, pinagbake kita ng cake at graham kainin mo naman." Nakangiti pa ding sabi niya saka akmang susubuan sana ito nang umiwas na naman ito.

 

Napabuntong-hininga siya. Di talaga madaling mapasunod ito.

 

"Iiwan ko na lang dito kuya, kainin mo ah. Babaliik ako mamaya para kunin itong napagkainan mo." saka na sya nagpaalam.

 

 

Katulad nang nasabi ni Audrey kanina ay bumalik nga sya kinahapunan. Pero di man lang nabawasan ni William kahit kaunti ang cake at graham.

 

Masama lang sya nitong tiningnan.

 

Akmang tatayo ito para magCR siguro pero natumba lang ito nang sunubukan nitong tumayo gamit ang tungkod nito.

 

Agad syang umagapay dito. Pero tinulak lang sya nito.

 

"Wag mo akong hawakan!" iritadong sabi nito.

 

"Pero Kuya kailangan mo ng tulong! Baka madulas ka lang sa loob pag d kita inagapayan." pangangatwran niya.

 

"Di ko kailangan ang tulong mo! Ano ang tingin mo sa akin inutil!? Kaya ko ang sarili ko kaya umalis ka na dito at wag ka ng manggulo ulit!" paninigaw nito.

 

“Kuya hindi naman iyon ang ibig kong sabihin eh!”

 

“Layas!”

 

 

Napilitan na syang umalis dahil mainit na talaga ang ulo nito.

 

 

"Mommy, wala na po bang pag-asa na makalakad pa ulit si Kuya William?" malungkot na tanong niya habang sinusuklayan sya nito.

 

Bumuntong-hininga si Wilma.

 

"Meron pa daw naman sabi ng doctor anak, pero tuluyan nang sumuko ang kuya mo dahil halos 11 yrs na ang nkakaraan simula nang malumpo sya ay wala pa ding nangyayari sa mga pagsisikap namin para mkalakad sya." paliwanag ng mommy niya.

 

"Yun pala eh! Kung may pag-asa pa po di tayo dapat sumuko para tulungan si Kuya! Ako ang bahala Mommy! Gagawin ko ang lahat para matulungan si kuya. Ngayon pa na kinakausap nya na ko!" enthusiastic na sabi nya.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (8)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended