5: AKALA KO

13.4K 263 7
                                    


^Rhea

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Rhea

****


Chapter 5 — Akala Ko


Kelliah's Point Of View

Maaga ako ngayon sa school kasi balak kong magreview ulit dito. Konti pa lang ang tao sa classroom kaya pwede pa akong maka-review ng tahimik. Mabuti na lang at wala pa yung gago boys. Pati si Suzy na classmate ko.

About sa pinagplanuhan naming mag-overnight sa bahay ni Ella, hindi natuloy yun. May biglaang lakad kasi siya sa trabaho niya, emergency daw.

Okay lang naman sa akin. Dahil don, humaba ang study time ko. Pero syempre, sayang din eh. Bonding sana naming tatlo yon. Matagal nang gusto to ni Mayka.

Speaking of Mayka, yung sabi niyang tatawagan niya ako? Wala akong natanggap mula sa kanya. Nagtext lang siya ng 'I'll explain soon.'

"Kelly..."

Speak of the devil.

Umupo siya sa seat niya na katabi ko lang. Tinignan ko siya saglit pero binalik ko kaagad ang atensyon ko sa notebooks.

"Kelly..." tawag niya ulit pero hindi ko pa rin siya pinansin. "Uy... Galit ka?"

I set my pen down at tsaka humarap sa kanya. Hindi naman ako galit, nagtatampo lang. "Actually, I'm disappointed." monotone kong sagot.

Yumuko siya. "Sorry. Hindi ko naman sinadasa—" natigil siya sa pagsalita. "Come to think of it, kahit saang anggulo mo titignan, I ended up wanting it."

Hindi ako nagsalita at naghintay lang ng kung anong sasabihin niya. Napatawad ko na siya kahit hindi pa siya humihingi.

I can never hold grudges, especially towards her. She's been with me through thick and thin. I don't want to lose her.

"Natatakot lang ako. Natakot ako kasi alam kong ayaw mong nakikipagkaibigan ako sa ibang students dito sa school. Lalo na kapag isa siya sa mga 'popular' kids dito.

"Pero promise, siya na mismo ang nagsabi sa akin na sekreto lang ang friendship namin." Tinaas niya pa ang kanang kamay niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "So ano kayo? May secret affair?"

She was taken aback by my sudden accusation. "Grabe ka rin noh? Affair kaagad? Friendship pa lang, wag kang magmadali." Hindi ako sumagot kaya yumuko na naman siya. "Sorry."

Tinitigan ko siya at nagbuntong hininga. "Mayka, hindi naman sa ayaw kong may kaibigan kang iba. It's just... Alam mo namang halos lahat ng tao dito ay binully na tayo diba? You know we can't trust anyone but ourselves. Anong pinagkaiba ng... ng..." Ano nga ang pangalan niya?

"Jeff."

"Maravilla na yon? Hindi natin alam na may balak pala ang isang yon diba? Paano kung anu-ano na ang sinasabi niya sa mga kaibigan niya? Paano kung pinaglalaruan ka lang niya? Paano kung ginagamit niya?"

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon