xv. o u t c a s t s

7.3K 172 15
                                    


Hindi kayang pigilan ni Cassandra ang maglakad papunta sa dalampasigan. Huminto siya sa harapan ng tatlong sirenang huminto na rin sa pagkanta. Hanggang tuhod na niya ang tubig sa dagat. No doubt,  they were the ones who controlled her body using their hypnotic voices.

They looked at her half-amused,  full of curiosity.

"Isang mortal sa isla ng aking mahal." Nagsalita ang sirenang may pinakamagandang mukha sa tatlo. Kumikinang ang kulay ginto nitong buhok sa sinag ng araw. Her blue eyes weren't so happy having her here in this island.  "Alam mo bang pinagbabawal ang katulad mong mortal sa isla na ito?" dagdag pa ng sirena.

Gustuhin man niyang magsalita ay hindi niya magawa.  She can't open her mouth.  Naka-freeze ang kaniyang katawan. Kahit ang pagkunot ng kaniyang noo sa salitang 'mahal' ay wala rin.

Who are these mermaids anyway?

"Ang gusto mong gawin sa kaniya,  mahal na prinsesa?  Pwede namang lunurin na lang niya ang kaniyang sarili.  O di kaya ay ipakain sa mga alaga mong pating." Nanlaki ang mata ni Cassandra sa suhestiyon ng isa pang sirena.

She realized that real mermaids weren't those good creatures in a fairytale book.

Hindi na nga makapagsalita.  Hindi na rin makagalaw.  Gaano ba ka delikado ang isla na ito?  Parang hindi na niya kayang tumagal pa.

Saka lang niya napagtanto na may mga pating nga sa dagat. At ang kaharap niya ngayon ay hindi basta-basta sirena lang.

Narinig pa niyang tumawa ang isa pang sirena na kulay abo ang buntot. “Mas mainam siguro, mahal na prinsesa kung paglalaruan muna natin ang babaeng ito bago natin ipakain sa mga pating.” Isa na namang suhestiyon ang narinig na hindi niya nagustuhan.

“Tama ang naisip niya, mahal na prinsesa. Minsanan lang na may mapadpad dito na pwede nating paglaruan,” pagsang-ayon naman ng pangalawa.

Mas nanlamig ang balat ni Cassandra sa mga nangyayari. Sa oras na makaligtas siya sa mga sirena na ito,  lalayasan niya si Nyx! Kamuntik na siyang mapaslang ng demonyo tapos ngayon naman ay nasa peligro na naman siya. This place was no good for her to stay and she had to get out,  as soon as possible.

The princess snapped her fingers at naramdaman na ni Cassandra nabubuka na ang kaniyang bibig,  puwera sa kaniyang katawan mala-bato pa rin.

"Sumagot ka, babae. Paano ka nakapasok sa lugar na ito?"

Napangiti ng pagak si Cassandra.  Papatayin na nga lang siya,  i-interview-hin pa?

"Bisita ako ni Nyx." Mabilis ang kaniyang sagot. "Kayo ba?  Bisita ba kayo?"

Natahimik bigla ang tatlo at nagtinginan sa isa't isa,  bago siya tiningnan nang sabay-sabay ng makahulugan.

"Bagong alipin ka ba?" Ini-interrogate pa rin siya ng mga ito.

Kumunot ang noo ni Cassandra sa narinig. Mukha ba siyang alipin?

Lahat ba ng mga babae dito sa isla --mapasirena o demonyo -- ay ganito na lang siya kung maliitin? At higit sa lahat,  ganito na ba kababaero iyong Nyx na iyon?

"Tama na ang insulto," singhal niya.  “Hindi ako alipin ni Nyx.  Kusa niya akong dinala rito. Sa oras na malaman ni Nyx na papaslangin niyo ako,  tingnan na lang natin kung makakapasok pa kayo sa isla!"

Nagkatinginan ang tatlo sa kanyang huling sinabi.  Takot ang namayani sa kaniya ngayon pero mas pinili ni Cassandra na lumaban.

Nakasimangot ang prinsesa na nakatingin sa kaniya.  Her eyes were full of jealousy. Ito iyong tipo ng mga mata niya kanina nang makita kung gaano ka-close sina Nyx at Jana. Pero,  bakit sa kaniya?  Eh wala rin naman iyong pakialam sa kaniya.

ADK I : A Secret Prophesy (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon